IPINURSIGE NI ABONO PARTY LIST REP ROBERT RAYMUND ESTRELLA ANG AGARANG PAGKAKAPASA NG KANYANG PANUKALANG MAGBIBIGAY NG PISONG DISKUWENTO SA BAWAT LITRO NG PRODUKTONG PERTOLYO SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA BUONG BANSA.
SA ISANG PANAYAM, SINABI NI ESTRELLA NA INIHAIN NIYA ANG HB02211 NOONG OKTUBRE NOONG NAKARTAANG TAON PA NA HUMIHILING SA KONGRESONG MATULUNGAN ANG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PAGPAPABABA NG HALAGA NG MGA BILIHIN AT SERBISYONG HANGO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA NGUNIT, AYON PA KANYA, HANGGANG SA KASALUKUYAN, ANG KANYANG PANUKALA AY NAKATAKDA PANG -ESKEDYUL PARA SA DELIBERASYON NG KOMITE.
IPINALIWAG NI ESTRELLA NA SA LAHAT NG MGA KOSULTASYON NG COMMITTEE ON AGRICULTURE SA LARANGAN NG FOOD SECURITY, NAGRIREKLAMO ANG KARAMIHAN SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA DAHIL SA WALANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA AGRICULTURAL INPUTS AT ANG MATAAS NA COST NG LANGIS AY NAGBUNSOD NG PAGTAAS DIN NG HALAGA NG KANILANG PRODUKSIYON.
AYON SA KANYA, KUNG MAKAPAGGAGAWAD NG DISKUWENTO ANG PANAHALAAN SA IBANG SEKTOR, WALA UMANONG RASON NA HINDIMABIGYAN DIN NG DISKUWENTO ANG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA LALU NA NGAYON UMANONG DUMARANAS ANG BUONG BANSA NG PROBLEMA SA PRODUKSIYON NG PAGKAIN.
AYON PA SA KANYA, ANG PAGBIBIGAY NG DISKUWENTO SA KANILA AY MAKAKATULONG SA LOCAL FARMING AT FISHING ACTIVITIES NG BANSA AT ITO AY MAKAPAGSISELBENG ISANG BUFFER PARA SA MATAAS NA HALAGA NG MGA PRODUKTO, GANUN NA RIN SA PAGTA-TRANSPORT NG MGA PRODUKTO SA MGA MAMIMILI.