Monday, June 23, 2008

PERA BILL MALAPIT NANG MAGING BATAS

ANG PERSONAL EQUITY AND RETIREMENT ACCOUNT BILL NA KILALA SA KATAWAGANG PERA BILL AY ISANG MATATAG NA PAMAMARAAN NG PENSIYON DAHIL ITO NAMAN AY TUNAY NA SUSUPORTA SA MGA PLANO NG PAGRERETIRO.

ITO ANG TINURAN NI AURORA REP JUAN EDGARDO ANGARA, ANG PANGUNAHING MAYAKDA NG HBO3754, NG KANYANG SINABI NA ANG PAGKAKAPASA NITO SA KAMARA DE REPRESENTANTES BAGO ITO MAG-ADJOURN AY ANG PINAKAMAGANDANG PARAAN UPANG MAKAIPON NG IMPOK NA SAVINGS ANG MGA EMPLEYADO.

SA ILALIM NG KANYANG PANUKALA, ANG ISANG INDIVIDUAL CONTRIBUTOR AY MAAARING MAKABUO NG TOTAL MAXIMUM ANNUAL CONTRIBUTION NA ISANG DAANG LIBONG PISO SA KANYANG PERA ACCOUNT O DALAWANG DAANG PISO KUNG ANG ASAWA NITO AY NAGTATRABAHO RIN.

ANG OVERSEAS FILIPINO WORKER O OFW AY MAARI RING MAKAPAG-IMPOK NG MAXIMUM SAVAINGS NA APATNARAANG LIBONG PISO BAWAT MAGASAWA.

AYON SA KANYA, ANG MGA CONTRIBUSYON AY DAPAT IPUHUNAN SA ISANG QUALIGIED NA PERA INVESTMENT PRODUCT KAGAYA NG UNIT INVESTMENT TRUST FUND, MUTUAL FUND, ANNUITY CONTRACT, INSURANCE O DILI KAYA AY PENSION PRODUCTS, DEPOSIT PRODUCTS, PRENEED PENSION PLAN, SHARES OF STOCK, EXCHANGE-TRADED BONDS O IBA PANG MGA INVESTMENT PRODUCTS OR OUTLET.

INAASAHANG ANG PANUKALANG PERA BILL AY APRUBAHAN NG SENADO SA PAGRE-RESUME NG KONGRESO SA SUSUNOD NA BUWAN.