Tuesday, June 10, 2008

PAGTATAPON NG DUMI SA DAGAT, MAGING DAHILAN NG PAGKAKAKULONG

PAPATAWAN NG MULTANG HINDI BABABA SA P50,000 AT DI HIHIGIT SA P500,000 O DILI KAYA AY PAGKAKAKULONG NG HINDI BABABA SA TATLONG BUWAN NGUNIT HINDI NAMAN LALABIS SA ANIM NA TAON O KOMBINASYON NG PARUSA DEPENDE SA DESISYON NG KORTE ANG SINUMANG MAHUHULING MAGTATAPON NG SEWAGE SLUDGE O MGA DUMI GALING SA PALIKURAN AT MGA INDUSTRIAL WASTES SA MGA KARAGATAN.

ITO ANG NILALAMAN NG HB04105 NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ NA TATAGURIANG "SEA DUMPING BAN ACT" NA MAY LAYUNING PAGIBAYUHIN ANG ANG NATURAL BALANCE NG KAPALIGIRAN PARA SA PROTEKSIYON NG KALUSUGAN AT KAAYUSAN NG TAO.

SINABI NI RODRIGUEZ NA ANG PAGTATAPON NG BASURA DERETSO SA DAGAT AT NAGPO-POLLUTE NG ATING TUBIG DAGAT NA MAY MASAMANG EPEKTO SA ATING MAYAMANG MARINE RESOURCES.

HINIKAYAT NI RODRIGUEZ ANG KANYANG MGA KASAMAHAN PARA SA AGARANG PAGKAKAPASA NG KANYANG PANUKALA NG KANYANG SINABI NA ANG PAGTAPON NG UNTREATED SEWAGE AY NAGRESULTA NA UMANO NG POLUSYON SA MGA BAYBAYING DAGAT AT ANG MGA KASONG NG RED TIDE AY NAGBUNSOD NA RIN NG HINDI NA LIGTAS ANG MGA SEAFOOD PARA KAININ.