Monday, June 16, 2008

PAGTATAG NG CONSTRUCTION AUTHORITY, HINILING

IPINANUKALANG MAGTATAG ANG PAMAHALAAN NG PHILIPPINE CONSTRUCTION INDUSTRY DEVELOPMENT AUTHORITY O PHILCIDA UPANG MATUGUNAN ANG MGA PROBLEMANG KINAKAHARAP NG INDUSTRIYA ANG GAWIN ITONG MAGING COMPETITIVE SA GLOBAL MARKET.

SINABI NINA MARIKINA REP DEL DE GUZMAN AT QUEZON REP LORENZO TANADA III NA SA HB03794 NA KANILANG INIHAIN, SILA AY NAGKAISA NA ANG CONSTRUCTION INDUSTRY SA BANSA AY ISA SA MGA MAHAHALAGANG SEKTOR SA EKONOMIYA AT ITO AY NANGANGAILANGANG PAIKTINGIN AT I-MODERNISA UPANG ITO AY MAKAKAPANTAY SA GLOBAL COMPETITION.

AYON KAY TANADA, ANG INDUSTRIYA SA KONSTRUKSIYON AY NAKAPAGGAGAWAD NG BATAYANG PISIKAL, INDUSTRIYAL AT COMMERCIAL INFRASTRUCTURE FACILITIES NA KAILANGAN SA PAGYABONG NG IBA'T IBANG SEKTOR NG EKONOMIYA KAGAYA NG PABAHAY, MANUFACTURING AT IBA PANG MGA INDUSTRIYA.

TINUKOY NG MGA MAMBABATAS ANG POTENSIYAL NG INDUSTRIYA NA MAKAPAG-GENERATE NG EXPORT RECEIPT UPANG MAKAPAGTATATAG NG MGA OVERSEAS NA TRABAHO AT ANG MGA FILIPINO ENGINEERS AT CONSTRUCTION FIRMS AY NAGING TAGUMPAY SA PAGPASOK SA MIDDLE EAST MARKET NOONG DEKADA 70.

AYON SA KANILA, SA IBANG MGA BANSA, NAIMA-MANAGE NILA ANG KANILANG CONSTRUCTION INDUSTRY SA PAMAMAGITAN NG TULOY-TULOY NA UPGRADING NG KAKAYAHAN NG KANILANG INDUSTRIYA, GANUN NA RIN ANG MGA SKILLS NG KANILANG MGA MANGGAGAGAWA AT MGA ENGINEER.