HINILING NI NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON SA KONGRESO NA IMBESTIGAHAN ANG STATUS NG MGA DORMITORYO NG MGA ESTUDYANTE AT MGA BOARDING HOUSE SA BUONG BANSA UPANG MATUKOY KUNG ANG MGA GUSALING ITO AY SUMUSUNOD SA MGA NARARAPAT NA SAFETY STANDARDS.
SA KANYANG HR00580, SINABI NI JOSON NA DAPAT LAMANG UMANONG MATINGNAN ANG KASALUKUYANG ESTADO NG MGA NATURANG DORMITORYO AT BOARDING HOUSE UPANG ANG KASIGURUHAN, KALIGTASAN AT KOMPORTABLENG PANINIRAHAN NG MGA ESTUDYANTE AY MASEGURO.
SINABI NI JOSON NA KARAMIHAN SA MGA DORMITORYO AT MGA BOARDING HOUSE AY NANATILING OPERATIONAL PA RIN KAHIT BIGO ANG MGA ITO NA SUMUNOD SA MGA HEALTH, SAFETY AT STRUCTURAL STANDARDS NG PAMAHALAAN.
AYON SA KANYA, ANG MGA MAYARI AT OPERATOR NG NABANGGIT NA MGA TIRAHAN KAGAYA NG MGA NASA UNIVERSITY BELT AREA SA SAMPALOC AY BIGO NANG GAWARAN ANG KANILANG MGA BOARDER AT OKUPANTE NG BASIC NA MGA PASILIDAD KAGAYA NG GANAP NA FIRE PROTECTION, ILAW AT ELEKTRISIDAD, PROPER VINTILATION AT SAPAT NA ESPASYO PARA SA STUDY AREA.
KARAMIHAN UMANO SA MGA TIRAHANG ITO AY DILAPEDATED, UNSANITARY AT HINDI NA SAFE ANG MGA KONDISYON NITO, DAGDAG PA NI JOSON.