Thursday, June 19, 2008

MGA KASAMBAHAY, SAKLAW NA RIN SA PHILHEALTH PROGRAM

HINIKAYAT NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG AGARANG PAGKAKAPASA NG SENADO NG KAPAPASA PA LAMANG NG KAMARA DE REPRESENTANTES NA PANUKALANG HUMIHILING NG MANDATORY MEMBERSHIP NG LAHAT NA MGA KASAMBAHAY SA NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM (NHIP) SA ILALIM NG PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION O PHILHEALTH.

MATATANDAANG ININDORSO NA NG MABABANG KAPULUNGAN SA SENADO NG NATURANG PANUKALA PARA ASKIYUNAN NITO BAGO MAG-ADJOURN ANG KONGRESO SA ANG FIRST REGULAR SESSION.

SINABI NI NOGRALES NA WALA DAPAT UMANONG DISKRIMINASYON SA MGA KASAMBAHAY SAPAGKAT MALAKI DAW ANG KANILANG NAGING BAHAGI SA NATION-BUILDING HABANG KANYANG PINAPURIHAN SI LEYTE REP CARMEN CARI, ANG MAYAKDA NG HB01979, PARA SA KANYANG TUNAY NA PRO-LABOR INITIATIVE.

SA KASALUKUYANG BATAS, MGA EMPLEYADO AT LABORER NG PRIBADONG SEKTOR NA SUMUSUWELDO NG ISANG LIBONG PISO PATAAS LAMANG ANG SAKLAW NG PHILHEALTH INSURANCE AT SA SOCIAL SECURITY SYSTEM O SSS AT HINDI KASALI ANG MGA KASAMBAHAY.

AYON KAY NOGRALES, ITO AY HINDI UMANO NAAAYON SA PROGRAM NG PAMHALAAN AT SA MGA BATAS NA IPINASA NA ISASAKLAW LAHAT NG MGA MAMAMAYAN SA BANSA SA MGA INSURANCE PROGRAMS.

NAKAPALOOB SA PANUKALA ANG PAGMAMANDO SA MGA EMPLOYER NG MGA HOUSE-HELP NA I-ENROLL ANG MGA ITO SA PHILHEALTH PROGRAM NG GOBYERNO AT SILA AY MAGBABAYAD NG REQUIRED CONTRIBUTION PARA SA MGA EMPLOYER NA IMINAMANDO NG PROGRAMA.