Monday, June 02, 2008

KAGANAPAN SA KONGRESO, MATUTUNGHAYAN NA NG LIVE SA TELEBISYON

WALANG SCRIPT. WALANG MAKE-UP. MAPAPANOOD NA NG LIVE SA TELEBISYON ANG MGA KAGANAPAN SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO NG PILIPINAS.

ITO ANG IPINAHAYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NG KANYANG SINABI NA MAPAPANOOD NA NG LIVE SA CABLE TELEVISION AT SA PAMAMAGITAN WEBCAST SA INTERNET ANG MGA PROCEEDINGS NG KONGRESO.

AYON SA KANYA, ITO AY MARAHIL UMANO SA KANILANG PAGTUPAD SA KANILANG PANGAKO NA GAWING TUNAY NA HOUSE OF THE PEOPLE ANG MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO SA PAMAMAGITAN NG PAG-INSTITUTIONALIZE NG TRANSPARENCY SA PAGSASAGAWA NITO NG MGA GAWAING PAGSASABATAS.

MALIBAN UMANO SA PAGBIBIGAY NG UPDATE SA MGA MAMAMAYAN HINGGIL SA KANILANG MGA ISINASAGAWA SA KAMARA, ANG LIVE TELEVISION BROADCAST AT WEBCAST AY MAKAKAPG-ENCOURAGE SA MGA MAMBABABATAS NA MAGING PARTICIPATIVE SA MGA MGA PLENARY DELIBERATIONS AT UPANG MAHADLANGAN NA RIN ANG IILANG MGA KONGRESISTANG NAGBUBULAKBOL.

TATAGURIANG CONGRESS TV, ANG MGA DELIBERASYON SA KONGRESO AY MAPAPANOOD SA GLOBAL NEWS NETWORK (GNN) NG DESTINY CABLE, INCORPORATED, ALINSABAY NA RIN SA WEBCAST SA INTERNET SA PAMAMAGITAN NG mms://202.128.48.99/gnn.

DAHIL WALANG SCRIPT AT ANG LAHAT NG MGA FOOTAGE AY HINDI INI-EDIT, MATUTUNGHAYAN UMANO ANG MGA MAMBABABATAS SA TV AT WEBCAST NA MAGDIDEBATE NA WALANG REHEARSAL AT SA SPONTANEOUS NA PAMAMARAAN.

MAAARING HABANG NASA DEBATE AY MASAKSIHAN NG PUBLIKO ANG MGA KONGRESISTANG TUMAAS ANG TEMPERAMENTO DAHIL ITO NAMAN UMANOM AY REALITY TELEVISION, DAGDAG PA NG PINUNO NG KAMARA.