MAGKAKAROON NA NG ISANG CENTER NA MAY LAYUNING PAGANDAHIN AT IPAGPAIBAYO ANG INDUSTRIYA NG ITIKAN SA BUONG BANSA SA SANDALING MAGING GANAP NA NA BATAS ANG PANUKALA NI ZAMBOANGA SIBUGAY REP ANN HOFFER.
SA KANYANG PANUKALA, ANG HB03975, ITATATAG ANG PHILIPPINE CENTER FOR DUCK RESEARCH AND DEVELOPMENT (PCDRD) PARA SA PROMOTION, BREEDING, NUTRITION, PRODUCTION, POST-HARVEST AT PROCESSING, KASAMA NA ANG SISTEMA NG PAGBIBENTA NG ITLOG NG ITIK, KARNE, BALAHIBO IBA PANG MGA PRODUKTONG HANGO SA ITIK.
SINABI NI HOFFER NA ANG PAG-ESTABLISA NG NATURANG SENTRO NA SIYANG TUTULONG SA PAGPAPAIBAYO NG INDUSTRIYA NG ITIKAN SA BANSA AY GANAP NA MAGPAPAGANDA UMANO NG KABUHAYAN AT PANGKALAHATANG WELL-BEING NG MGA MAMAMAYAN SA KANAYUNAN LALU SA EKONOMIYA NG MGA AGRICULTURAL COMMUNITY.
IPINALIWANAG NI HOFFER NA ANG SENTRONG ITATATAG AY MAGGAGAWAD NG TRAINING, RESEARCH AT DEVELOPMENT SA MGA DUCK FARMER AT DUCK EGG PROCESSORS UPANG MABIGYAN SILA NG KAALAMAN SA KANILANG CAPACITY-BUILDING AT GAGANDA ANG KANILANG PRODUKSIYON NG NABANGGIT NA PRODUKTO.
AYON SA KANYA, ANG PAGPAPAIBAYO NG DUCK INDUTRY SA BANSA AY NAKATUON TUNGO SA ISANG LONG TERM GOAL NA MAIPAPALAWIG AT MAMODERNISWA ANG AGRO-INDUSTIAL CAPABILITIES NG MGA KANAYUNAN.