PUMASA NA SA IKATLO AT HULING PAGBASA NA ANG PANUKALANG MAGDIDEKLARANG ISANG KREMIN ANG ILLEGAL NA PAGKABIT NG CABLE TELEVISION AT INTERNET CONNECTION BAGO NAGTAPOS ANG FIRST REGULAR SESSION.
ANG PANUKALA NI CATANDUANES REP JOSEPH SANTIAGO, ANG HB01409, NA IPINASA NA SA SENADO PARA AKSIYUNAN NITO AY MAY LAYUNING MAGPAPATAW NG MABIGAT NA PARUSA SA MGA VIOLATOR NA MAHUHULI NA MAY ILLEGAL NA CABLE TV O INTERNET SYSTEMS.
GAGAWIN NANG PAGLABAG SA BATAS ANG SINUMANG MAHUHULING NAGSASAGAWA NG PAG-INTERCEPT OR PAGTANGGAP NG SIGNAL O SERBISYO NA IBINIBIGAY NG CATV AT CABLE INTERNET SYSTEM SA PAMAMAGITAN NG PAG-TAP SA PAGKONEKTA SA EXISTING NA WIRED O WIRELESS FACILITIES NA WALANG PAHINTULOT NA KADALASANG ISINASAGAWA SA PAGGAMIT NG MGA ELECTRONIC DEVICE KAGAYA NG DIGITAL O ANALOG RECEIVER-DECODER BOXES.
SINABI NI SANTIAGO NA PANAHON NA UMANONG MASAWATA NA ANG MGA NAGNANAKAW AT PILFERAGE KAGAYA NG PAGGAMIT, INTERCONNECTION O RECEPTION NG ANUMANG SIGNAL O SERBISYO NA BINIBIGAY NG MGA CABLE TV AT INTERNET PROVIDER SA PAMAMAGITAN NG DI OTORISADONG PAG-INSTALA, ACCESS O KONEKSIYON NITO.
IDINAGDAG PA NI SANTIAGO NA ANG UNAUTHORIZED CABEL TV TAPPING ANG ISANG GABENG BANTA SA KAPANITILIHAN AT SURVIVAL NG INDUSTIYA SA CABLE TV AT DISADVANTAGEOUS SA MGA LEGAL NA NAGBABAYAD NA MGA CUSTTOMER.