Monday, June 16, 2008

HINDI PAGGAMIT NG SAFETY HELMET, MABIGAT NA PARUSA ANG IPAPATAW

TINATAYANG UMAABOT SA 1.2 MILYONG MGA MOTORCYCLE AT BICYCLE RIDERS ANG NAMAMATAY KADA TAON BUNSOD NG MGA AKSIDENTE SA LANSANGAN DAHILAN SA HEAD AT CHEST INJURIES.

ITO ANG NAGBUNSOD SA PAGHAIN NG PANUKALA NI LAGUNA REP JUSTIN MARC CHIPECO, ANG HB04124 NA MAY LAYUNING IMAMANDO SA LAHAT NA MGA RIDERS ANG PAGSOOT NG STANDARD QUALITY HELMET AT MABIGAT NA PARUSA ANG NAGHIHINTAY SA MGA LUMALABAG SA NATURANG BATAS.

SINABI NI CHIPECO NA ANG MOTORSIKLO AY ANG PUMAPANGALAWA SA KOTSE NA PINAKA-COMMON NA KLASE NG SASAKYAN NA NASASANGKOT SA TRAFFIC ACCIDENT SA MGA LANSANGAN.

AYON SA KANYA, NA-OBSERBAHAN UMANONG BAMABA ANG BILANG NG MGA MANANAKAY SA MOTORSIKLO AT BISEKLITA NA GUMAGAMIT NG SAFETY HELMETS KUNG KAYA'T MARAPAT LAMANG UMANONG BIGATAN ANG PARUSA SA MGA LALABAG SA BATAS HINGGIL DITO.