HINIKAYAT NG ISANG BIPARTISAN GROUP NG MGA MAMBABATAS ANG KANILANG MGA KASAMAHANG KONGRESISTA SA MABABANG KAPULUNGAN NA SUPORTAHAN ANG PROGRAMA NG GAWAD KALINGA (GK) SA FOOD SELF-SUFFICIENCY AT MAG-ESTABLISA NG ISANG GK SITE SA KANI-KANILANG MGA DISTRITO UPANG MATUGUNAN ANG BANTA NG LOKAL AT PANDAIGDIGANG KAKULANGAN SA PAGKAIN.
SA HR00531 NA INIHAIN NINA SORSOGON REP SALVADOR ESCUDERO III, PALAWAN REP ABRAHAM MITRA AT LEYTE REP CARMEN CARI, IPINANANAWAGAN NILA SA LAHAT NA MGA MAMBABATAS ANG PAGPAPATUPAD NG NATURANG PROGRAMA BILANG ISANG DOABLE, SUSTAINABLE AT REPLICABLE NA ESTRATEHIYA NG PAGTUGON SA SULIRANIN NG MGA MAHIHIRAP SA HARAP NG KRISIS SA SUPLAY NG PAGKAIN SA BUONG MUNDO.
SINABI NI ESCUDERO NA ANG BANSA PILIPINAS AY KASALUKUYANG KUMAKAHARAP NG ISANG KRISIS SA SUPLAY NG PAGKAIN NA WALA UMANONG KAHIT ISANG SEKTOR, MAGING ANG PAMAHALAAN MAN, AY HINDI NAKAKATUGON NG EPEKTIBO SA PROBLEMA.
AYON SA KANYA, SA PAMAMAGITAN NG PROGRAMA NG GK, ANG MGA MAHIHIRAP AY HINDI NA ITUTURING BILANG MGA BENEFICIARY NG SOCIAL SERVICES DAHIL SILA AY MGA AKTIBONG LUMALAHOK NA SA FOOD-PRODUCTION AT FOOD SELF-SUFFICIENCY PROGRAM NITO, PROGRAMANG HANGO SA MATAGAL NANG FILIPINONG KAGAWIAN, ANG COMMUNITY SHARING O KILALA SA KATAWAGANG BAYANIHAN.
IDINAGDAG PA NI ESCUDERO NA BATAY SA SALIGANG BATAS, ANG MGA TRABAHO NG NON-GOVERNMENTAL, COMMUNITY-BASED AT CIVIL SOCIETY GROUPS KAGAYA NG COUPLES FOR CHRIST (CFC) NA SIYANG NAG-UMPISA AT NAMUNO SA GAWAD KALINGA AY SUSUPORTAHAN AT ITATAGUYOD NG GOBYERNO.
MARAPAT LAMANG UMANONG ANG LAHAT NA MGA DISTRITO PANG LEHISLATIBO SA BUONG BANSA AY MAGKAKAROON AT SUMUSUPORTA SA MGA PROGRAM NG GAWAD KALINGA.