Tuesday, May 20, 2008

TELEMARKETING, DAPAT I-REGULATE

HABANG NAGIGING POPULAR PAGBEBENTA NG MGA PRODUKTO AT SERBISYO SA PAMAMAGITAN NG TELEPONO O ANG TINATWAG NA TELEMARKETING SA ATING BANSA, ITINULAK DIN NG ISANG MABABATAS SA KONGRESO NA BIGYAN NG MALAWAK NA KAPANGYARIHAN ANG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA HABULIN AT USIGIN ANG MGA ABUSADO AT MAPAGLINLANG NA MGA TELEMARKETER.

SINABI NI ARC PARTY LIST REP NARCISO SANTIAGO III ANG TELEMARKETING AY ISANG MAKABAGONG PAMAMARAAN SA PAGBEBENTA AT DAHIL KAKAIBA ANG KARAKTER NITO, MARING MGA CONSUMER ANG NABIBIKTIMA NG IILANG MGA URI NG PANGGAGANTSONG TELEMARKETING, KALAKIP NA RITO ANG PANLINLANG AT ABUSO.

AYON SA KANYA, ANG PANUKALANG “CONSUMER PROTECTION TELEMARKETING ACT” NA NAKALAPALOOB SA HB03411 AY SANGAYON NA RIN SA SINASAAD SA SALIGANG BATAS NA NAGSASABING POPROTEKTAHAN NG ESTADO ANG MGA CONSUMER SA TRADE MALPRACTICE AT MGA SUBSTANDARD O HAZARDOUS NA MGA PRODUKTO.

SA KANYANG PANUKALA, IPAGBABAWAL NG DTI SA MGA TELEMARKETER NA MAGSAGAWA NG PATTERN OF UNSOLICITED NA MGA TAWAG SA TELEPONO NA SIYANG MAGING COERSIVE O ABUSIVE SA MGA PANGPRIBADONG KARAPATAN NG CONSUMER.

MABIGAT NA KAPARUSAHAN ANG IPAPATAW SA MGA LALABAG SA MAGING PROBISYON NG BATAS HINGGIL DITO SA CONSUMER'S RIGHT TO PRIVACY.