Monday, May 12, 2008

SANGKOT SA FAKE LAND TITLING, 12 TAONG PAGKAKAKULONG

MABIGAT NA KAPARUSAHAN ANG IAPATAW SA MGA OPISYAL O EMPLEYADO NG PAMAHALAAN NA SANGKOT SA HUWAD O FAKE NA PAGTITITULO AT ILLEGAL NA DISTRIBUSYON NG LUPA.

SANG MILYONG PISONG MULTA AT PAGKAKAKULONG NG LABINGDALAWANG TAON NA MAY KAAKIBAT NA HABANGBUHAY NA DISKUWALIPIKASYON SA PANUNUNGKULAN SA ELECTIVE O APPOINTIVE POSISTION SA GOBYERNO ANG NAGHIHINTAY SA TIWALING KAWANI NG PAMAHALAAN SA SANDALING ANG HB03740 NA INIHAIN NI MARIKINA REP MARCELINO TEODORO AY MAGING GANAP NA NA BATAS.

SINABI NI TEODORO NA ANG PAGKAKAROON NG GANITONG PAGSASABATAS AY BAHAGI NG REPORMA NG GOBYERNO AT UPANG MAIPATUPAD ANG PAGSASA-INSTITUSYON NG LAND ADMINISTRATION SYSTEM NG BANSA.

ISA PANG REPORMA AYON SA KANYA AY ANG PAGTATATAG NG LAND ADMINISTRATION AUTHORITY (LAA) NA SIYANG MAG-CONSOLIDATE NG MGA GAWAIN NG DAEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR), NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) AR NG NATIONAL MAPPING AND INFORMATION AUTHORITY (NAMRIA).

AYON SA KANYA, ANG LAA AY MAGIGING FOCUS LAMANG SA LAND TITLING AT DISTRIBUTION KAYA DITO NA MARAHIL UMANO MAPUPUKSA ANG GRAFT AND CORRUPTION SA PAGTITITULO AT PAMIMIGAY NG LUPA.

UPANG MAGKAROON NG TUNAY NA KASEGURUHAN SA PEOPLE'S LAND TENURE, DAPAT LAMANG UMANONG MAYROONG IISA AT EPESIYENTENG SISTEMA NG LAND ADMINISTRATION NA SIYANG IN CHARGE NG SURVEY, PUBLIC LAND MANAGEMENT, REGISTRATION NG LAND TITLE, TITLE TRANSFER AT FRST-TIME TITLING NG ALIENABLE AT DISPOSABLE LAND, AYON PA KAY TEODORO.