LIBU-LIBONG MGA JOB OPPORTUNITY AT BAGONG MGA NEGOSYO ANG BUBUSILAK SA BUONG BANSA MATAPOS LAGDAAN NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO BILANG BATAS ANG MAGNA FOR MICRO-SMALL AND MEDIUM ENTERPRISE (MSMEs) ACT, ANG RA09510.
ITO ANG TINURAN NI BULACAN REP MA VICTORIA SY-ALVARADO NG KANYANG SINABI NA NANINIWALA SIYA NA MARAMI ANG MAGBEBENIPISYO SA NATURANG ECONOMIC MEASURE DAHIL ITO AY MAKAPAGTATATAG NG MGA PANIBAGONG TRABAHO AT NEGOSYO SA MGA URBAN CENTER LALU NA SA MGA KANAYUNAN.
AYON KAY SY-ALVARADO, ANG BATAS NA ITO AY GANAP NA MAKAPAGPAPATATAG AT MAKAPAGPAPAIBAYO SA PAGLAGO NG EKONOMIYA NG BANSA HABANG KANYANG PINURI ANG PANGULO SA PAGBIBIGAY PRAYORIDAD SA AGARANG PAGPASA NG BATAS DAHIL UMANO SA KANYANG PANINIWALA NA ANG PINAKA-BACKBONE NG EKONOMIYA AY ANG SMALL AND MEDIUM BUSINESS (SMEs).
IDINAGDAG PA NIYA NA ANG MGA SME AY BUMUBUO NG SIYAMNAPONG PORSIYENTO SA KABUUANG NEGOSYO SA BUONG BANSA NA NAGE-EMPLOY NG PITUMPONG PORSIYENTO SA KABUUANG WORKFORCE NITO.
SA ILALIM NG BATAS, ANG ISANG MICRO ENTERPRISE AY IKONSIDERA BILANG ISA KUNG ANG TOTAL ASSETS NITO, LIBAN SA LUPA, AY MABABA SA SA TATLONG MIYONG PISO; ANG SMALL ENTERPRISE , P3.001 MILLION HANGGANG P15 MILLION; AT ANG MEDIUM, P15.001 MILLION HANGGANG P100 MILLION.
SA BATAS, ANG MGA ITO AY MABIBIYAYAAN SA MANDATORY ALLOCATIONS NG LAHAT NG LENDING INSTITUTION PARA SA MSMEs NG HINDI BABAB SA WALONG PORSIYENTO NG KANILANG LOAN PORTFOLIO SA MICRO AND SMALL ENTERPRISES.