Friday, May 02, 2008

PROGRAMA PARA SA MGA HENYONG BATA

IPINAHAYAG NI NUEVA ECIJA REP CZARINA UMALI NA SA BAWAT 11 MILYONG ESTUDYANTE SA ELEMENTARYA SA BUONG BANSA, TINATAYANG MAYROONG 345,000 ANG MAAARING IKUNSIDERANG HENYO O YUNG TINATAWAG NA GIFTED CHILDREN KUNG KAYAT SIYA AY NAGHAIN NG PANUKALANG BATAS NA MAGGAGAWAD NG DEKALIDAD AT SUSTAINABLE NA MGA PROGRAMA AT MGA SERBISYO PARA SA NATURANG MGA BATA LALU NA YAONG MGA NAGMULA SA MGA MAHIHIRAP NA PAMILYA.

MARAPAT LAMANG UMANONG MAG-ESTABLISA ANG PAMAHALAAN NG ISANG NATIONAL PROGRAM PARA SA MGA FILIPINO GIFTED CHIDREN UPANG MAGAMIT NG TUWIRAN ANG KANILANG MGA POTENSIYAL

SINABI NI UMALI NA TINURING SILANG MGA GIFTED CHILDREN DAHIL SILA AY MAY ANGKING TALENTONG EKSEPSIYONAL AT MGA ABILIDAD NA TUMATAKBO SA KABUUAN NG KARAMIHANG MGA GAWAIN SA BUHAY AT SA LARANGAN NG PAGAARAL.

AYON SA KANYA, ANG MGA KASALUKUYANG BATAS AY HINDI MAN LAMANG TUMUKOY SA KOMPREHENSIBONG PAGKILANLAN AT PAG-ARUGA SA MGA FILIPINONG MAY ANGKING TALINO SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA.

MARIING SINABI NI UMALI NA MAYROONG GANAP NA PANGANGAILANGAN PARA SA PAMAHALAAN NA MAMUHUNAN HINDI LAMANG SA ORAS KUNDI SA PERA, ATENSIYON AT MABUNGANG MGA PAGAARAL PARA SA MGA BATANG ITO AT SA PANAHONG SILA AY NASA TAMANG GULANG NA, MAAARING SILA NA ANG BUBUO NG ISANG GRUPONG IDEALISTIC, BRILLIANT AT PRODUKTIBONG MGA INDIBIDWAL NA SIYANG MAGING NUCLEUS PARA SA NATIONAL DEVELOPMENT.