Tuesday, May 27, 2008

PERA BILL, PASADO NA SA KAMARA

SA PAGKAKAPASA NG HB03754, ANG PERSONAL EQUITY AND RETIREMENT ACCOUONT (PERA) ACT OF 2008 SA PANGALAWANG PAGBASA SA KAMARA KAMAKAILAN LAMANG, INAASAHANG TULOY-TULOY NANG MAGING GANAP NA BATAS SA MALAPIT NA HINAHARAP ANG NATURANG PANUKALA.

LAYUNIN NG PANUKALA NA MAGTATAG NG ISANG PANGMATAGALANG SAVINGS PLAN UPANG MAGGAWARAN NG KOMPORTABLE AT FINANCIALLY-SECURE RETIREMENT ANG MGA EMPLEYADONG MAGRERETIRO.

SINABI NG MGA MABABATAS NA ITO AY MAKAKAPAGPATAAS NG SAVINGS MOBILIZATION AT MAKAPAG-ACCELERATE NG CAPITAL MARKET DEVELPMENT SA BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAGTATAG NG ISANG LEGAL AND REGULATORY FRAMEWORK NG RETIREMENT PLANS NA MANGGAGALING SA VOLUNTARY SAVINGS AT INVESTMENT.

SINABI NI CEBU REP RAMON RED DURANO NA SIYANG PANGUNAHING MAY-AKDA NG PANUKALA NA NARARAPAT LAMANG NA HANDA ANG PAMAHALAAN PARA SA SOCIAL AT ECONOMIC CHALLENGES NA IDUDULOT NG PAGDAMI NG MGA TUMATANDA SA POPULASYON.

AYON SA KANYA, ANIMNAPUT ISANG PORSIYENTO NG POPULASYON NG BANSA AY NASA LABINGLIMA HANGGANG ANIMNAPUT LIMANG TAONG GULANG NA BRACKET NA MAY ELDERLY POPULATION NA INAASAHANG TATAAS PA TAON TAON.

TININGNAN NG KARAMIHAN ANG PAGRERETIRO NA MAY PANGAMBA, DAGDAG PA NG MAMBABATAS, DAHIL ANG IBIG SABIHIN UMANO NITO AY KAWALAN NA NG KITA SAPAGKAT KULANG SA SUPISIYENTENG MGA BENEPISYO.

KAYA UMANO NILA INITRUDYOS ANG PERA BILL UPANG MABIGYAN NG PAG-ASA ANG MGA MAMAMAYAN NA TANGGAPIN ITO BILANG ISANG MAHALAGANG BAHAGI AT VALUABLE TOOL UPANG I-ENCOURAGE SILA NA MAG-IMPOK PARA SA MGA HINAHARAP NA PANAHON.