ANG PAGBEBENTA NG SEGARILYO SA MGA BATA O SA MGA MINOR DE EDAD AY ITUTURING NANG ISANG KREMIN SA SANDALING MAGING GANAP NA NA BATAS ANG PANUKALA NA INIHAIN NI NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON, ANG HB03436, NA MAY LAYUNING MAGPAPATAW NG MABIGAT SA KAPARUSAHAN SA SINUMANG MAPATUNAYANG NAGKASALA SA NABANGGIT NA KREMIN.
SINABI NI JOSON NA SA KABILA NG PAGKAKAPASA NG RA09211, ANG TOBACCO REGULATION ACT OF 2003, KALIWA'T KANAN PA RIN ANG PAGBEBENTA NG SEGARILYO SA MGA MINOR DE EDAD SA BUONG BANSA.
NAKAPALOOB SA PANUKALA NI JOSON NA ANG SINUMAN O ESTABLISIYEMENTO NA NAGBEBENTA, NAGDI-DISTRIBUTE O BUMIBILI NG SEGARILYO O ANUMANG PRODUKTONG TABAKO PARA SA ISANG MINOR DE EDAD AY HAHARAP NG MULTANG DI BABABA SA P50,000.00 AT PAGKAKAKULONG NG TATLONG TAON AT KAAKIBAT PA RITO ANG REVOCATION NG LISENSIYA O PERMIT NG NEGOSYO KUNG ITO AY NEGOSYANTE.
AYON PA KAY JOSON, DAPAT LAMANG UMANONG MAAMIYENDAHAN NA ANG BATAS HINGGIL DITO O DILI KAYA AY MAGLINANG NG PANIBAGONG BATAS UPANG TULUYAN NANG MAWALA ANG PROBLEMANG ITO.
HINIKAYAT NI JOSON ANG MGA CIGARETTE MANUFACTURER NA TULUNGAN ANG PAMAHALAAN SA PAGHARAP SA PROBLEMANG ITO SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWA PA NG MARAMING MGA POSTER NA MAGBABAWAL SA PAGBENTA NG SEGARILYO SA MGA MINOR AT KALAKIP RIN DITO ANG PROBISYON SA BATAS NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA PARUSA SA SINUMANG LALABAG SA BATAS.