Thursday, May 15, 2008

BALASAHANG TOP TO BOTTOM SA BOC, HINILING SA KONGRESO

HINILING NI AGAP PARTY LIST REP NICANOR BRIONES ANG PAGBIBITIW NI BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISIONER NAPOLEON MORALES SA KANYANG TUNGKULIN DAHIL SA KANYANG DIUMANONG PAGKABIGO NA MATUGHUNAN ANG LAGANAP NA SMUGGLING SA BUONG BANSA.

SA ISANG PRIVILEGE SPEECH, SINABI NI BRIONES NA DAPAT PALITAN NA NG MALAKANYANG SI MORALES DAHIL SA KANYANG "POOR PERFORMANCE AND INEFFECTIVE LEADERSHIP" SA AHENSIYA.

IMINUNGKAHI RIN NI BRIONES ANG PAGPAPATUPAD NG TOP TO BOTTOM REVAMP SA BOC DAHIL MAYROON DIN NAMAN UMANONG EBIDENSIYA NA MAGPAPATUNAY NA MAYROONG CONNIVANCE SA PAGITAN NG MGA OPISYAL AT EMPLEYADO NG BOC AT NG MGA TIWALING NEGOSYANTE AT SINDIKATO.

AYON KAY BRIONES, BILYUN-BILYONG PISO ANG NAWAWALA SA GOBYERNO DAHIL SA PAMAMAYAGPAG AT SA DIMAAWAT NA SMUGGLING HABANG KANYANG TINUKOY ANG ISANG PAGAARAL NA NAGSIWALAT NA 100 BIYONG PISO ANG LUGI NG PAMAHALAAN NOONG NAKARAANG TAON DAHIL SA SMUGGLING.

TINUKOY NI BRIONES ANG NASABAT NA MGA PRODUKTONG PANG-AGRIKULTURA SA DALAWANG COLD STORAGE SA NAVOTAS SA ISINAGAWANG RAID NG PHIL. ANTI- SMUGGLING GROUP KAMAKAILAN LAMANG NA NAGKAKAHALAGA NG 473 MILYON PISO.

DAHIL DITO, NANAWAGAN SI BRIONES KAY PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO NA SERTIPIKAHAN BILANG URGENT MEASURE ANG LAHAT NA MGA ANTI-SMUGGLING BILL NA NAKAHAIN SA KONGRESO NA MAY LAYUNING MAHINTO NA ANG TECHNICAL AT OUTRIGHT SMUGGLING NG MGA AGRICULTURAL PRODUCT SA BUONG BANSA.