Wednesday, May 07, 2008

BABY SWITCHING SA MGA OSPITAL, DAPAT MAHADLANGAN

IILANG MGA MIYEMBRO NG KAMARA NA KABILANG SA MGA PARTYLIST GROUP AY NAGHAIN NG PANUKALANG BATAS, ANG HB02903, NA PAPARUSA SA MGA KAGAWAD NG OSPITAL AT SINUPAMANG MASASANGKOT SA PAGNAKAW O PAGPALIT NG PASLIT NA BATA.

SA PANUKALA NA TATAGURIANG "INFANT PROTECTION AND BABY SWITCHING PREVENTION ACT" NA INIHAIN NINA ARC REP NARCISO SANTIAGO III, BUTIL REP LEONILA CHAVEZ, ABONO REP ROBERT RAYMUND ESTRELLA AT APEC REP EDGAR VALDEZ, NAKALATAG ANG PAGPAPATAW NG HINDI BABABA SA LIMAMPUNG LIBO HANGGANG SA ISANG MILYONG PISONG FINE SA MGA OSPITAL NA LUMABAG SA BATAS.

SINABI NG MGA MAY-AKDA NG PANUKALA NA INIHAIN NILA ITO BUNSOD NA RIN SA KANILANG PAGKABAHALA SA TUMATAAS NA BILANG AT KASO NG BABY SWITCHING AT ABDUCTION SA BUONG BANSA AT NA DAPAT LAMANG UMANONG MAGKAROON NG SECURITY PROCEDURES SA LAHAT NG MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG MGA OSPITAL AT CLINIC UPANG MAHADLANGAN ANG MGA GANITONG KASO..

SINABI NI ESTRELLA NA KAHIT ANG MGA OSPITAL AY NAGING TARGET NA RIN NG MGA SINDIKATONG KRIMINAL SA KADILANANG BUKAS ANG MGA ITO SA PUBLIKO BIENTE KUWARTO ORAS BAWAT ARAW AT PITONG ARAW BAWAT LINGGO KAYA DAPAT LAMANG NA MAHADLANGAN ANG MGA HINDI OTORISADONG MGA TAO NA PUMASOK AT LUMALABAS DITO.

IDINAGDAG NAMAN NI CHAVEZ NA DAPAT LAMANG UMANONG MAGMINTINA ANG MGA OSPITAL NG RECORD NG FOOTPRINT, FINGERPRINT, O LITRATO, NAKASULAT NA DISCRIPTION O IDENTIFICATION BRACELET O ANKLET NA ILAGAY SA BAGONG IPANGANAK NA BATA AT SA NANAY NITO UPANG MADALING MA-IDENTIFY ANG MGA PASYENTE.