Thursday, April 24, 2008

SALARY INCREASE SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO

KUNG NANGANGAPA PA ANG PRIBADONG MGA MANGGAGAWA SA DILIM, MISTULANG MASUWERTE NAMAN ANG MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO DAHIL INAASAHANG TATAAS PA ANG KANILANG SUWELDO SA 2009 AT 2010.

MATAPOS IHAYAG NG MALACANANG ANG 10 PORSIYENTONG UMENTO SA MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NA MAGIGING EPEKTIBO SIMULA SA HULYO 1, INIHAYAG KAHAPON NI BUDGET SEC ROLANDO ANDAYA JR. SA PAGDINIG NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS ANG INAASAHANG DALAWANG TAON PANG UMENTO SA KANILANG BASIC PAY MULA 2009 HANGGANG 2010.

GINAWA NI ANDAYA ANG PAHAYAG SA KOMITE KUNG SAAN KANILANG ISASAMA SA DELIBERASYON NG PAMBANSANG BADYET SA 2009 ANG HALAGANG KAKAILANGANIN SA UMENTO.

IPINALIWANAG NAMAN NI ANDAYA NA ISASAMA SA BAGONG SALARY STANDARDIZATION LAW ANG UMENTONG GAGAWIN SA 2009 AT 2010.


SINABI NI ANDAYA NA LAYUNIN NG BAGONG SALARY STANDARDIZATION BILL NA ISAMA ANG LAHAT NG MGA MANGGAGAWA SA UMENTO ALINSUNOD SA PRINSIPYO NG PAGKA-PANTAY-PANTAY.