Thursday, April 17, 2008

POWER OF THE PURSE NG KONGRESO, DAPAT IBALIK

NAIS NG ISANG BAGITONG MAMBABATAS NA IPANUMBALIK ANG TINATAWAG NA POWER OF THE PURSE OF CONGRESS O ANG KAPANGYARIHAN NG KONGRESO SA PAGLALAAN NG MGA PONDO NA SIYANG BINALEWALA UMANO NG NAKARAANG MARCOS AT AQUINO ADMINISTRATIONS.

LAYON NI PANGASINAN REP MA. RACHEL ARENAS SA KANYANG HB01721 NA AMIYENDAHAN ANG SECTION 31 NG PD 1177 AT SECTION 26, BOOK VI NG EO 292 SERIES OF 1987 NA TUMATALAKAY SA NATURANG USAPIN.

NAKASAAD SA MGA NABANGGIT NA PROBISYON NA LAHAT NG MGA BAYARIN PARA SA 1) PERSONAL RETIREMENT PREMIUMS, GOVERNMENT SERVICE INSURANCE AT IBA PANG MGA KAHALINTULAD NA GASTOS; 2) PRINCIPAL AT INTERES SA MGA PAMPUBLIKONG PAGKAKAUTANG; 3) NATIONAL GOVERNMENT GUARANTEES NG MGA OBLIGASYON AY OTUMATIKONG ILALAAN: NGUNIT, WALANG MGA BAYARIN NA MANGGAGALING SA PONDONG LAAN MALIBAN LAMANG KUNG ITO AY REGULAR NA NAKALAAN NA.

SINABI NI ARENAS NA ANG OTOMATIKONG PAGLALAAN NG PONDO PARA PAMBAYAD SA PAGKAKAUTANG AT INTERES NITO SA MGA PUBLIC DEBTS AT BORROWINGS AY INALIS NA SA KONGRESO PARA HINDI NA ITO MAKAPAGSAGAWA NG REVIEW AT ACCOUNTING NG PAGGAMIT NG PAMPUBLIKONG PERA.

MARAPAT LAMANG UMANONG DUMAAN SA REVIEW AT APRUBAHAN NG KONGRESO ANG LAHAT NA APPROPRIATIONS NA SINUMITE NG MALAKANYANG AT KASAMA NA ANG APPROPRIATION PARA SA PAMBAYAD SA AMORTIZATION NG UTANG AT INTERES O YAONG TINATAWAG NA AMORTIZATION OF DEBT SERVICING.

AYON SA KANYA, MAAARI NANG I-ADJUST NG KONGRESO ANG ANTAS NG GASTUSIN NA INILALAAN PARA SA PAMBAYAD SA MGA UTANG AT INTERES SA DEBT SERVICING BAGAMAT HINDI MAAARING TAASAN NILA ANG PONDO NA HIHIGIT PA SA INIREKOMENDA NG PANGULO NG BANSA SA GENERAL APPROPRIATIONS ACT.

SA KANYANG PANUKALA, ISINAMA NA RIN DITO ANG PAGTATATAG NG ISANG CONGRESSIONAL OVERSIGHT SA CONTRACTING LOANS UPANG MAMONITOR ANG LAHAT NA GASTOS SA DEBT SERVICING.