Wednesday, April 09, 2008

PINAPURIHAN: OAKWOOD MUTINEERS SA KANILANG PAGTANGGAP NG PARUSA

HINIKAYAT KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROPERO NOGRALES ANG LAHAT NG MGA SEKTOR NA HAYAAN NA LAMANG NITONG GUMULONG ANG HUSTISYA SA NORMAL NA PANGYAYARI MATAPOS IBINABA NG MAKATI REGIONAL TRIAL COURT ANG HATOL SA DALAWANG LIDER AT PITONG JUNIOR OFFICERS NG MAGDALO GROUP SA TERMINO NG PARUSANG PAGKAKAKULONG DAHIL SA KANILANG PARTISIPASYON SA NABIGONG 2003 COUP ATTEMPT LABAN KAY PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO.

ITO AY BUNSOD NA RIN SA MGA KRITISISMO AT PASARING NA NAKAKASIRA LAMANG UMANO AYON PA SA KANYA, SA SISTEMA NG HUSTISYA AT ITO AY HINDI NAKABUBUTI SA LIPUNAN AT ITO AY ISANG MALAKING DISSERVICE LAMANG SA ATING SISTEMANG DEMOKRASYA.

IDINAGDAG PA NG SPEAKER NA ANG MABIGAT NA KAPARUSAHANG PAGKAKAKULONG NA IPINATAW SA MGA AKUSADO NG NABANGGIT NA KORTE AY DAPAT NA LAMANG NA MAKA-DISCOURAGE SA MGA SUSUNOD PANG MGA MILITARY ADVENTURISM HABANG KANYA NAMANG PINURI ANG KATAPANGAN NG MGA NATURANG MILITARY OFFICERS PARA SA KANILANG PAGTANGGAP NG KANILANG KASALANAN NG BUONG PUSONG PAGHARAP SA NAGING RESULTA NG KANILANG MGA AKSIYON.

MATATANDAANG SINABI NG MGA MATURANG OPISYAL SA MILITAR DOON SA OAKWOOD NOONG KASAGSAGAN NG MUTINY SA HARAP NG MEDIA NA HANDA SILANG HARAPIN ANG ANUMANG MGA MAGING KONSEKWENSIYA NG KANILANG MGA AKSIYON NA SIYA NAMANG NANGYARI SA SIYAM NA MGA SUNDALO.