Thursday, April 17, 2008

PALALAWIGIN PA ANG PERSONAL TAX EXEMPTION NG MGA MANGGAGAWA

IPINAHAYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA BIBIGYANG PRAYORIDAD NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG PAGPASA NG ISANG PANUKALA NA MAGPAPALAWIG NG NASASAKLAWAN NG MGA PERSONAL TAX EXEMPTION NA IGINAGAWAD SA MGA EMPLEYADO SA PRIBADO AT PAMPUBLIKONG SEKTOR PARA MAIBSAN ANG TUMATAAS NA MGA PRESYO NG PAGKAIN, BAGAY AT SERBISYO.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA DAPAT LAMANG UMANONG HANAPAN NG MGA PAMAMARAAN NA ANG TAKE HOME NA SAHOD NG ORDINARYONG MANGGAGAWA, LALU NA ANG MGA MINIMUM WAGE EARNER, SA PAMAMAGITAN NG PAGBAWAS NG KANILANG BINUBIWISANG KITA O ANG TINATAWAG NA TAXABLE INCOME NA MAGING BUNSOD NG PAGSIKAP NA TUMAAS ANG SUWELDO NG MGA WORKER SA PAMAMAGITAN NG REGIONAL WAGE BOARDS.

NGUNIT NAGBABALA NAMAN ANG LIDER NG KAMARA SA HAKBANG NA ALISIN ANG EXPANDED VALUE ADDED TAX O EVAT DAHIL MAAARING ITO UMANO AY MAKAKAAPEKTO SA REVENUE NG PAMAHALAAN AT MAAPEKTUHAN ANG MGA VITAL SOCIO-ECONOMIC AT INFRASTRUCTURE PROGRAMS NG GOBYERNO NA NAKADESINYO PARA MASUSTINE ANG PAGLAGO NG EKONOMIYA.

BAGAMAT ANG PANUKALANG PAGLIBAN SA MGA PRODUKTONG PAGKAIN KAGAYA NG NOODLES AT SARDINAS SA PAGKAKASAKLAW SA EVAT AY IBIBIGAY PARA MAKASABAY DIN ANG PUBLIKO SA TUMATAAS NA PRESYO NG FOOD COMMODITIES SA BUONG MUNDO, HINDI NAMAN UMANO MAGAWA NG PAMAHALAAN NA I-SUBSIDIZE ANG GAMOT, FARM INPUTS AT IBANG MGA PRODUKTONG PAGKAIN.

SA KANYANG KONSULTASYON SA MGA LIDER NG MABABANG KAPULUNGAN, ANG HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS NA PINAMUMUNUAN NI ANTIQUE REP EXEQUIEL JAVIER AY TUMATANGGAP NA UMANO NG PANUKALANG AMIYENDAHAN ANG PROBISYON NA MAGGAGAWAD NG MGA PERSONAL EXEMPTION SA MANGGAGAWA SA GOVERNMENT AT PRIVATE SECTORS, DAGDAG PA NG SPEAKER.