Wednesday, April 16, 2008

PAGKAKAISA AT KOOPERASYON NG MGA MAMAMAYAN ANG KAILANGAN PARA MALUTAS ANG FOOD SHORTAGE

IPINAHAYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA HINDI NA KAILANGAN PA NG KARAGDAGANG KAPARANGYARIHAN, MAGING EMERGENCY MAN O ANUPAMAN, ANG PANGULONG GLORIA MACAPAAGAL ARROYO SAPAGKAT KASALUKUYANG NAGSASAGAWA NA NG KARAMPATANG HAKBANG ANG ADMISTRASYON PARA MATUGUNAN ANG PROBLEMA SA BIGAS.

SINABI NG SPEAKER NA ANG TANGING KULANG NA LAMANG AT KINAKAILANGAN UPANG MAHADALANGAN ANG FOOD SHORTAGE AY ANG PAGKAKAISA AT KOOPERASYON NG LAHAT NA MGA MAMAMAYANG FILIPINO MAGING ANUMAN ANG POLITICAL AT RELIGIOUS NA PANINIWALA.

AYON SA KANYA, NAKAKALUNGKOT UMANO NA KAHIT KUMAKAHARAP ANG BANSA SA PROBLEMA SA PAGKAIN, KARAMIHAN SA MGA POLITICAL PERSONALITIES, MGA PEOPLE'S ORGANIZATION, NGO, CIVIL SOCIETY AT MGA LIDER SA PANGANGALAKAL AY HINDI NAGKAKAISA SA PAGLUTAS SA NABANGGIT NA PROGLEMA.

ANG PAHAYAG NG SPEAKER AY BUNSOD NA RIN SA MGA PANUKALA AT PANANAW NG MALAKANYANG NG PAGKAKAROON NG EXTRA POWERS PARA SA PANGULONG ARROYO UPANG MATUGUNAN ANG CRISIS SA BIGAS.

NGUNIT IGINIIT NIYA NA ANG HOUSE LEADERSHIP AY HANDA UPANG TALAKAYIN ANG USAPING PAGGAGAWAD NG NATURANG KAPANGYARIHAN SA PANGULO KUNG ANG NABANGGIT NA PROBLEMA AY LALALA PA AT AABOT NA SA PINAKASUKDULANG KRITIKAL NA ANTAS.