Thursday, April 03, 2008

PAGGAYA NG MAY PUNTONG PAGSALITA, GAGAWING CRIMINAL OFFENSE

ANG PANGGAGAYA NG PAGSASALITA NG ISANG TAO LALU NA KUNG MAY PUNTO ITO NA MAY DALANG PANG-IINSULTONG AY MAAARI NANG DAHILAN NA MAIKULONG ANG TAONG GUMAGAYA NITO.

ITO ANG LAYUNIN NG INIHAING PANUKALANG BATAS NI LANAO DEL SUR REP FAYSAH DUMARPA, ANG HB00948, NA INAPRUBAHAN NA NG HOUSE COMMITTEE ON NATIONAL CULTURAL COMMUNITIES NA PINAMUNUAN NI BENGUET REP SAMUEL DANGWA, UPANG TALAKAYIN NA SA PLENARYO.

SINABI NI DUMARPA NA ANG KANYANG BILL AY NAGLALAYONG IPAGBAWAL ANG RELIGIOUS O RACIAL DISCRIMINATION LABAN SA MUSLIM AT IBA PANG MIYEMBRO NG CULTURAL COMMUNITIES.

PAPATAWAN ANG SINUMANG LALABAG SA NATURANG BATAS NG MULTA NA MAGMULA P200 HANGGANG P6,000 O DILI KAYA AY ARRESTO MAYOR NA ANG IBIG SABIHIN AY PAGKAKAKULONG NG ISA HANGGANG ANIM NA BUWAN O DILI KAYA AY PRISION CORRECTIONAL, ANIM NA BUWAN HANGGANG ANIM NA TAONG PAGKAKAKULONG.

MALIBAN SA MIMICKING O PAGGAYA NG ISANG TAO, ANG TAONG NAGKAKASALA AY PAPATAWAN DIN NG MGA NABANGGIT NA KAPARUSAHAN KUNG ITO AY NAGSASAGAWA NG UNNECESSARY, UNJUSTIFIED, ILLEGAL AT DEGRADING SEARCH SA KADAHILANAN LAMANG NG KANYANG PANANAMIT, RELIHIYON, KULAY, CREDO AT ETHNIC IDENTITY.

ANG PAG-DISCRIMINATE NG TAO NA NAG-AAPPLY PARA SA ISANG TRABAHO, AYON PA SA KANYA, DAHIL LAMANG SA KANYANG PANGALAN, RELIHIYON O ETHNIC BACKGROUND AY MAAARI DING MAGING GROUND PARA MAKULONG ITO.

IDINAGDAG PA NG SOLON NA ANG KANYANG PANUKALA AY GANAP NA MAG-INSTITUTIONALIZE NG NAKASAAD SA SALIGANG BATAS NA GUMAGARANTIYA NG PANTAY NA PROTEKSIYON AT RELIGIOUS FREEDOM PARA SA LAHAT NG MAMAMAYAN.