Wednesday, April 09, 2008

OBLIGADONG SERBISYO SA BAYAN ANG BAYAD DAPAT SA MGA EDUCATIONAL LOAN

DAPAT BAYARAN NG MGA NAKATANGGAP NG STUDENT LOANS ANG KANILANG PAGKAKAUTANG SA PAMAHALAAN SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO SA PAGTUTURO.

ITO ANG IMINUNGKAHI NI PANGASINAN REP MA RACHEL ARENAS SA KANYANG HB01720 NA NAGLALAYUNG OBLIGAHIN ANG MGA RECIPIENT NG STUDENT LOAN SA PAGGAWAD NG TEACHING SERVICE SA MGA MALALAYONG LUGAR.

SINABI NI ARENAS NA ANG EDUCATIONAL LOAN NG PAMAHALAAN AY NANGGAGALING SA MGA BUWIS NA NAKOLEKTA NG GOBYERNO O TAXPAYERS'MONEY KAYAT ANG MGA BENEPISYARYO NITO AY DAPAT MAGBAYAD SA PUBLIC INVESTMENT PARA SA KANILANG PAG-ARAL SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO SA BAYAN MATAPOS SILANG MAG-GRADUATE.

AYON SA KANYA, ANG NAKABABAHALANG BILANG NG MGA GURONG TUMUNGO SA IBANG BANSA UPANG MAGKAROON NG PRODUCTIVE EMPLOYMENT AY NAGRERESULTA NG TINATAWAG NIYANG SYSTEMATIC DEGRADATION NG MGA DI-KALIDAD NA GURO SA ATING BANSA.

IMBIS NA IPATUPAD ANG KALAKARAN NG ESTADOS UNIDOS NA BAYARAN ANG MGA PAGKAKA-UTANG NG EDUCATIONAL LOAN BENEFICIARIES SA PAMAMAGITAN NG CASH, IPINANUKALA UMANO NIYA NA ITO AY DAPAT BAYARAN LAMANG NG SERBISYO NG PAGTUTURO SA MGA FAR-FLUNG AREAS.