Wednesday, April 02, 2008

MATAAS NA INTERES NG MGA CREDIT CARD, IPAGBAWAL NA

MAMADALIIN NG HOUSE COMMITTEE ON BANKS AND FINANCIAL INTERMEDIARIES ANG PAG-APRUBA NG PANUKALANG BATAS, ANG HB02787 NA INIHAIN NI REP SALVADOR ESCUDERO NA NAGLALAYONG I-REGULATE ANG ABOT-LANGIT NA MGA INTEREST RATE NA KINAKARGA NG MGA CREDIT CARD COMPANY SA KLIYENTE NITO.

SINABI NI ESCUDERO NA DAPAT LAMANG UMANONG IPAGBAWAL NA ANG MGA NAKATAGONG PENALTY O COST NA IPINAPATAW NG MGA KUMPANYA NG CREDIT CARD, MGA BANGKO AT IBA PANG MGA KAHALINTULAD NA INSTITUSYON.

AYON KAY ESCUDERO, INIHAIN NIYA ANG NABANGGIT NA PANUKALA BATAY SA PAG-AARAL NA NAGSASABING ANG MGA BANGKO AY NAGKAKAROON NG GINANSIYA NA UMAABOT SA PINAKAMATAAS NA ANTAS SA NAKARAANG LIMANG TAON DAHIL SA TINATAWAG NA CREDIT CARD DEBT AND PERSONAL BANKRUPTCIES.

BATAY UMANO SA NABANGGIT NA PAG-AARAL, PARAMI NG PARAMI SA MGA CREDIT CARD HOLDER ANG HINDI NA NAKAKAPAG-MANAGE NG KANILANG MGA PANANALAPI NA RESULTA NG PAGKAKA-UTANG SA CREDIT CARD.

TINUKOY NI ESCUDERO ANG MGA SHOCKING NA KARANASAN NG MGA FIRST TIME CREDIT CARD HOLDER MATAPOS NILANG MATANGGAP ANG KANILANG PINAKA-UNANG STATEMENT OF ACCOUNT DAHIL SA DAMI NG INTERES AT MGA SURCHARGE NA IKINAKARGA RITO.

MAARI UMANONG PINA-WALANG BISA NA ANG USURY LAW NGUNIT HINDI UMANO ITO LISENSIYA SA MGA TAONG MAG-CHARGE NG MGA PROHIBITIVE INTEREST RATE.

IPINANUKALA NI ESCUDERO NA MAGKAROON NG LIMITASYON ANG MGA SURCHARGE AT PENALTY SA PINAKAMATAAS NA ISANG PORSIYENTO KADA BUWAN LAMANG UPANG MAKAPAGTATAG NG ISANG MALUSOG NA ECONOMIC ENVIRONMENT PARA SA IKABUBUTI NG KAPWA CARD HOLDER AT NG CREDIT CARD COMPANY.