Thursday, April 24, 2008

KONTROBERSIYA SA RECTAL OPERATION

ANG PAGPAPATAW NG PARUSA SA MGA TIWALI NA DOKTOR AY HINDI MAGIGING EPEKTIBO KAHIT AMYENDAHAN ANG CODE OF ETHICS NG PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION (PMA) DAHIL HINDI NAMAN MANDATORY ANG MEMBERSHIP DITO.

GANITO ANG REAKSIYON NI ILOILO REP JANETTE GARIN MATAPOS GAWING KATATAWANAN SA YOUTUBE ANG ISINAGAWANG RECTAL OPERATION KAY GENARO IBARRA FAROLAN, ISANG 39-ANYOS NA HINIHINALANG BAKLA NG BASAK PARDO SA CEBU CITY, PARA ALISIN ANG PERFUME CANISTER MATAPOS ANG NAPABALITANG PAKIKIPAGTALIK SA ISANG LALAKI NOONG HULING BISPERAS NG BAGONG TAON.


SINABI NI GARIN SA KANYANG INIHAING HR00524 NA NAKAKABAHALA ANG INSIDENTE DAHIL INAASAHANG MAAAPEKTUHAN ANG TINATAWAG NA MEDICAL TOURISM SA BANSA LALO’T BUONG MUNDO ANG NAKAKAPANOOD SA INSIDENTE.


SA NAKAKAHIYANG VIDEO CLIP NA KINUHA SA PAMAMAGITAN NG CELLULAR PHONE, NAKITANG PINAGTATAWANAN NG 10 MEDICAL STAFF ANG BIKTIMA NA NASA LIKOD NG RECTAL OPERATION NITO SA VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER (VSMMC) NOONG ENERO 3, 2008 KUNG SAAN NAKITA RIN ANG PAG-SPRAY NG PABANGO.


KABILANG SA PINANGALANAN NG DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA SANGKOT UMANO SA RECTAL SCANDAL SINA DR. PHILIP LEO ARIAS, HEAD SURGEON; DR. ANGELO ALINAWAGAN, ASSISTING SURGEON; DR. MAX JOSEPH MONTECILLO, SURGEON AT AN ADJACENT OPERATING TABLE; NURSING ATTENDANT ROSEMARIE VILLAREAL; AT CIRCULATING NURSE CARMENIA SAPIO.


SA ISANG PRIVILEGE SPEECH MARTES NG GABI, IGINIIT NI GARIN NA IPASA ANG PHYSICIANS ACT OF 2008 O ANG HB03703, AN ACT REGULATING THE EDUCATION AND LICENSURE OF PHYSICIANS AND THE PRACTICE OF MEDICINE IN THE PHILIPPINES, REPEALING FOR THE PURPOSE OF RA 2382 UPANG MAGING MAHIGPIT ANG PAGSASA-PRAKTIKA NG KANILANG PROPESYON BITBIT ANG PROTEKSIYON SA MGA PASYENTE.