Thursday, April 24, 2008

IDENTITY THEFT, PAPATAWAN NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN

PAPATAWAN NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN ANG SINUMANG TAGAPAG-ULAT O REPORTER O WRITER, PUBLISHER O SINUMANG MEDIA PRACTITIONER NA MAGBUBUNYAG NG PAGKAKAKILANLAN SA PAMAMAGITAN NG PAGLATHALA SA MGA NEWSPAPER NA WALANG PAHINTULOT SA TAONG TUNUKOY.

SINABI NI CAMARINES NORTE REP LIWAYWAY VINZONS-CHATTO NA SA ILALIM NG KANYANG PANUKALA, ANG HB03828, ANG REPORTER, WRITER, PRESIDENT, PUBLISHER, MANAGER AT EDITOR-IN-CHIEF NG ISANG NEWSPAPER NA LALABAG SA TINATAWAG NA "IDENTITY THEFT" O ANG MALICIOUS DISCLOSURE NG IMPORMASYON SA MEDIA NA WALANG PAHINTULOT NG CONCERNED PERSONS AY PAPATAWAN NG HINDI BABABA SA ANIM NA TAONG PAGKAKAKULONG AT MULTANG HINDI HIHIGIT SA P500,000.00.

AYON KAY VINZONS-CHATTO, BATAY SA SURVEY NA ISINAGAWA NG PRIBADONG SEKTOR, MAYROONG MALAKAS NA CLAMOR PARA SA PAGPAPATUPAD NG CRIMINAL PENALTIES SA PAGLABAG NG DATA PRIVACY RIGHTS.

DAHIL UMANO SA PAGTAAS NG SOPHISTICATION NG IMPORMASYON DAHIL NA RIN TEKNOLOHIYA NA DULOT NG COMPUTER LINKS, ALISABAY NA RIN SA HIGH-SPEED NETWRKS NA MAY ADVANCED PROCESSING SYSTEM, AYON PA SA KANYA, MADALI NA LAMANG DAW MAGKAROON NG ACCESS SA IMPORMASYON NG MGA INDIBIDWAL AT GUMAWA NG MGA KOMPREHENSIBONG DOSSIERS HINGGIL SA ISANG TAO.

DITO NA RIN ITATATAG ANG NATIONAL DATA PROTECTION COMMISSION (NDPC) NA MAY LAYUNING MAG-REHISTRO NG LAHAT NA MGA DATA CONTROLLERS AT PROCESSORS AT MAG-MONITOR NG PAGSUNOD SA INTERNATIONAL STANDARDS PARA SA DATA PROTECTION, DAGDAG PA NI VINZONS-CHATTO.