MARAPAT LAMANG NA HANAPAN NG PARAAN KONGRESO AT NG EHEKUTIBO NG PARA MAPAG-ISA ANG POSISYON NG BANSA HINGGIL SA DEFINITION NG ATING ARCHIPELAGIC BASELINES NA HINDI MAAPEKTUHAN ANG ATING CLAIMS SA PINAGTATALUNANG MGA PULO NG SPRATLYS.
ITO ANG IPINAHAYAG NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NG KANYANG SINABI NA ANG ISANG SENSITIBONG ISYU NG NASYONAL INTERES AT INTERNATIONAL CONCERN NA KAGAYA NITO AY DAPAT NATING HARAPIN UPANG ATING MAPANATILI ANG INTEGRIDAD NG ATING NATIONAL SOVEREIGNTY.
NAGSAGAWA KAHAPON NG EXECUTIVE MEETING ANG HOUSE COMMITTEE ON FOREIGN AFFAIRS SA PAMUMUNO NI CEBU REP ANTONIO CUENCO NA DINALUHAN NAMAN NG HOUSE SPEAKER UPANG MAITATAG ANG POSISYON NG KAMARA HINGGIL SA MGA CONTENTIOUS PROVISIONS SA PANUKALANG BASELINES LAW.
AYON KAY SPEAKER NOGRALES, MAAARING MAGRESULTA ITO NG PINSALA KUNG TAYO AY MAGING BIGO SA PAGSUNOD SA DEADLINE NG UNITED NATIONS DAHIL LAMANG SA HINDI TAYO MAKAKAMIT NG COMMON GROUND TUNGKOL SA BASELINE BILL.
ANG BATAS NA TUTUKOY NG ARCHIPELAGIC BASELINES NG BANSA AY ISANG FUNDAMENTAL REQUIREMENT NA DAPAT ISUMITE SA UNITED NATIONS CONVENTION ON THE LAW OF THE SEAS O UNCLOS BAGO PAMAN MAGTAPOS ANG BUWAN NG MAYO NG KASALUKUYANG TAON.