Wednesday, April 02, 2008

DAHILAN NG PAGTAAS NG PRESYO NG KARNENG BABOY AT MANOK, SMUGGLING

NAGBABALA SI PARTY LIST REP NICANOR BRIONES NA MAAARING AABOT SA P200 KADA KILO NG KARNENG BABOY O HIHIGIT PA KUNG HINDI AGARANG MAAKTUHAN NG PAMAHALAAN ANG PAPARAMING PAGPUPUSLIT O SMUGGLING NG NATURANG PRODUKTO AT IBA PANG PRODUKTONG PANG-AGRIKULTURA.

SA ISANG PAGDINIG NG COMMITTEE ON AGRICULTURE HINGGIL SA HR00308 NA KANYANG INAKDA, NANAWAGAN SI BRIONES KAY PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NA AGARANG SERTIPIKAHAN BILANG ISANG URGENT BILL ANG HB00015 NI QUEZON REP LORENZO TANADA III AT ANG HB03115 NA KANYA RING INIHAIN NA MAY LAYUNING MAGTATAG NG PREVENTIVE MEASURES SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWAD NG MAS KLARO AT TRANSPARENT NA MGA PAMANTAYAN O RULES AND REGULATIONS AT PAGPAPA-IGTING NG PAPEL NG PRIBADONG SEKTOR HINGGIL SA NABANGGIT NA KATIWALIAN.

AYON KAY BRIONES, DAHIL SA WALANG HUMPAY NA SMUGGLING NG MGA INANGKAT NA KARNENG MANOK AT BABOY, ISDA AT MGA GULAY SA IILANG MGA DAUNGAN KAGAYA NG CLARK, SUBIC, NORTH AT SOUTH HARBOR SA MANILA, CEBU AT BATANGAS, ANG CONCERNED NA MGA LOKAL NA INDUSTRIYA AY MATINDING NAAAPEKTUHAN SA KANILANG MGA PRODUKTO AT KANILANG IBINIBENTA NA LAMANG SA MABABANG HALAGA ANG KANILANG MGA PRODUKTO.

ANG FARMGATE PRICE DAW NG KARNENG BABOY, DAGDAG PA NG SOLON, AY P70 LAMANG KADA KILO NOONG MAYO NG NAKARAANG TAON NGUNIT ANG PRODUCTION COST NITO AY UMABOT SA P85 KADA KILO KAYA NAG-SHIFT NA LAMANG SA IBANG NEGOSYO ANG MGA NEGOSYANTE DAHIL NGA SA TUMATAAS NA GASTUSIN SA KANILANG PAG-PRODUCE NG KARNE.

ANG MGA MAGSASAKA NG BIGAS AT GULAY AY KAKAUNTI NA LAMANG UMANO ANG KANILANG PRODUKSIYON HABANG ANG IBA NAMAN AY NAG-DIVERSIFY NA LAMANG DAHIL SA KAKULANGAN NG SAPAT NA SUPORTA GALING PAMAHALAAN AT DAHIL NA RIN MISMO SA SMUGGLING.