Thursday, April 24, 2008

CARP EXTENSION, INAPRUBAHAN NA SA KAMARA

INAPRUBAHAN KAHAPON NG HOUSE COMMITTEE ON AGRARIAN REFORM ANG CONSOLIDATED BILL NA NAGLALAYONG DUGTUNGAN NG LIMANG TAON O HANGGANG 2013 ANG COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP) NA MAPAPASO NGAYONG 2008.


SA GITNA NG KRISIS SA MAHAL NA BIGAS AT KAHALAGAHAN NA MANATILI ANG MAS MALAWAK NA LUPAIN BILANG TANIMAN NG PALAY, NAGKASUNDO ANG KOMITE SA PAMAMAGITAN NG BOTONG 16 KONTRA TATLO AT ISANG ABSTENTION NA ISULONG ANG CARP SA SUSUNOD NA LIMANG TAON.


KABILANG SA MGA AWTOR NG 15 PANUKALANG BATAS NA PAG-IISAHIN SINA ALBAY REP EDCEL LAGMAN, PALAWAN REP ABRAHAM MITRA, AKBAYAN REP RISA HONTIVEROS-BARAQUEL, NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON AT MARAMING IBA PA.


NABATID SA SECTION 2 NG PANUKALA NA MAGLALAAN RIN ANG PAMAHALAAN NG P100 BILYON PARA SA PAGBILI AT DISTRIBUSYON NG MGA LUPA SA ILALIM NG CARP.


NAPAG-ALAMAN NA KUKUNIN NAMAN ANG PONDO SA NAPAGBENTAHAN NG ASSETS PRIVATIZATION TRUST (APT), LAHAT NG MABABAWING NAKAW NA YAMAN NG PRESIDENTIAL COMMISSION ON GOOD GOVERNMENT (PCGG), PAGBEBENTA NG ARI-ARIAN NG PAMAHALAAN SA IBANG BANSA, LAHAT NG KOLEKSIYON SA OPERASYON NG PROGRAMANG AGRARYO, PINANSIYAL NA SUPORTA NG LEHETIMONG SOURCES, TAUNANG PAGLALAAN SA ILALIM NG PAMBANSANG BADYET NG P5 BILYON AT IBA PANG PONDO MULA SA MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN.


MAGUGUNITANG ITO ANG IKALAWANG PAGKAKATAON NA MAGKAKAROON NG EKSTENSIYON ANG CARP NA NAISABATAS NOONG 1988 AT NADUGTUNGAN NOONG 1998 HANGGANG SA KASALUKUYANG TAON.