PINAALALAHANAN NI PALAWAN REP ABRAHAM MITRA SI SANTIAGO KAUGNAY SA TINATAWAG NA “PARLIAMENTARY COURTESY.”
SINABI NI MITRA NA KUNG MAY PROBLEMA SI DEFENSOR-SANTIAGO SA MGA KAPWA NIYA SENADOR, HUWAG UMANO NIYA ITO IBALING SA MGA CONGRESSMEN AT KUNG MAY PROBLEMA SIYA OUTSIDE THE HALLS OF CONGRESS, HUWAG NAMAN SA MGA CONGRESSMEN IBABALING.
DISMAYADO RIN SI CEBU REP ANTONIO CUENCO, PANGUNAHING AWTOR NG PANUKALA AT CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON FOREIGN AFFAIRS, SA WALANG PAKUNDANGANG PAHAYAG NI SANTIAGO .
PAMBIHIRA NAMAN UMANO ITO SI DEFENSOR-SAMTIAGO NA NAGSABING KINONSULTA PA NG MGA KONGRESISTA ANG MGA EKSPERTO SA PANGUNGUNA NI DATING SOLICITOR GENERAL ESTELITO MENDOZA SA PAGBUO NG HOUSE BILL 3216
O NEW ARCHIPELAGIC BASELINES BILL, AYON PA KAY CUENCO.
KUNG TARANTADO UMANO SILA, EH DI TARANTADO NA RIN DAW SI SENATOR PIMENTEL KASI GUSTO NITONG I-ADOPT ANG VERSION NG KAMARA; TARANTADO RIN SI MENDOZA KASI ISA SIYA SA MGA CONSULTANT NG KONGRESO, ANI CUENCO SA PANUKALANG IBINALIK SA KOMITE MATAPOS APRUBAHAN SA IKALAWANG PAGBASA KUNG SAAN NAAANTALA UMANO ANG PAGDINIG DAHIL NASA ABROAD PA ANG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON ENERGY NA KASAMA SA DELIBERASYON NA SI PAMPANGA REP JUAN MIGUEL ARROYO.