Friday, April 04, 2008

30% BAHAGI NG NATIONAL BUDGET PARA SA MINDANAO, I-RELEASE NA

NANAWAGAN KAHAPON ANG MGA KONGRESISTA SA BUONG KAPULUAN NG MINDANAO, SA PANGUNGUNA NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES, PARA SA AGARANG PAG-RELEASE NG 30% BAHAGI NG BUONG PULO NA LUMP SUM NA NAGKAKAHALAGA NG P1.227 TRILYON MULA SA NATIONAL BUDGET UPANG MA-UMPISAHAN NA ANG TRANSPORMASYON NG PULO BILANG FOOD BASKET NG BANSA.

SINABI NI NOGRALES NA BAGAMAT MAY MGA KUMAKALAT AT PINALALAKING BALITA NA MAYROONG FOOD SHORTAGE ANG BANSA, ANG TUMATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHING PRODUKTONG PAGKAIN AY HINDI NA RIN NAPIPIGILAN AT ANG TANGING PARAAN LAMANG UPANG MAPATINING ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AY ANG PAGPAPATAAS NG PRODUKSIYON NITO SA PAMAMAGITAN NG PAG-MAXIMIZE NG MGA POTENSIYAL NG MINDANAO BILANG AGRICULTURAL HUB.

AYON SA KANYA, ANG BUDGETARY PROVISION PARA SA MINDANAO AY NAILAAN NA NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO, SA PAMAMAGITAN NG REKOMENDASYON NG MGA SOLON NG MINDANAO NA KANYANG PINAMUNUAN NOONG SIYA AY MAJORITY FLOOR LEADER PA LAMANG SA DELIBERASYON NG BUDGET 2008. NOONG NAKARAANG TAON.

DAPAT LAMANG UMANONG MAUMPISAHAN NANG MAGAWA ANG PAGPAPATUPAD NG KANILANG PLANONG GAWING SENTRO PARA SA PRODUKSIYON NG PAGKAIN ANG BUONG KAPULUAN NG MINDANAO SA LALUNG MADALING PANAHON.