HINILING NI REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA ANG PAGSISIYASAT HINGGIL SA MGA REKLAMO NG MGA CONSUMER NA ANG MGA TELECOMMUNICATION COMPANY AY NAGPAPADALA NG MGA UNSOLICITED TEXT MESSAGE NA NAG-AALOK NG KUNG ANO-ANONG MGA SERBISYO.
SINABI NI TEODORO NA SA KASALUKUYAN AY WALA PANG GANAP NA GUIDELINE HINGGIL SA MGA PAGPAPADALA NG UNSILICITED TEXT MESSAGE SA MGA MOBILE TELEPHONE SUBSCRIBER AT NA KAILANGAN UMANONG MAGTATAG NG MGA GUIDELINE UPANG MAPROTEKTAHAN ANG INTERES NG MGA SUBSCRIBER.
AYON SA KANYA, HINDI LAMANG SAGABAL AT ESTURBO SA MGA GINAGAWA NG SUBSCRIBER ANG PAGTANGGAP NG MGA NATURANG TEXT MESSAGE KUNDI ITO AY NAGDADAGDAG SA GASTUSIN DAHIL SINISINGIL NG KOMPANYA ANG BILL SA MAY ARI NG CELL PHONE.
IDINAGDAG PA NI TEODORO NA AWTOMATIKONG BINABAWAS SA AVAILABLE LOAD NG SUBSCRIBER ANG BILL KAHIT HINDI NITO SINASAGOT ANG MENSAHE NGUNIT KUNG SASAGUTIN NAMAN ANG MGA ITO, PAULIT-ULIT NANG MAGTE-TEXT ANG KOMPANYA PARA PAGKAKAKITAAN ANG CONSUMER.