IPINANUKALA NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA SA KONGRESO NA MAGPASA NG BATAS NA MAGMAMANDO SA MGA PRIBADONG KUMPANYANG MAGBIGAY NG TAUNANG PRODUCTIVITY BONUS SA LAHAT NG MGA MANGGAGAWA UPANG MAIPAGPAIBAYO ANG MAGKATUWANG NA BENEPISYO AT INDUSTRIYAL NA KATIWASAYAN SA PAGITAN NG LABOR AT NG MANAGEMENT.
SINABI NI ABAYA NA ANG PAGBIBIGAY NG INSENTIBONG PRODUCTIVITY BONUS PARA SA MGA MANGGAGAWA AY HINDI LAMANG MAGSISILBENG ISANG KARAGDAGANG KITA KUNDI ITO AY BILANG ISANG INSENTIBO NA RIN PARA MAPAGANDA ANG PRODUKSIYON NA SIYANG MAGING BENEPISYO NA RIN SA MGA MAMUMUHUNAN.
AYON SA KANYA, ANG MGA PROBISYON NG SALIGANG BATAS NA MARIING NAGSASABI NA GAWARAN NG PROTEKSIYON ANG KAPAKANAN ANG MGA MANGGAGAWA AT KILALANIN SILA BILANG PANGUNAHING PUWERSA SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA AY MATUTUGUNAN NA RIN KUNG ANG KANYANG PANUKALA, ANG HB03391 AY TANGKILIKING IPASA NG MGA MABABATAS.
DITO NA UMANO MAIIWASAN ANG DI PAGKAKAUNAWAAN AT KOMPRONTASYON HINGGIL SA BATAYAN AT MAHAHALANG ISYU TUNGKOL SA SAHOD, BENEPISYO AT KONDISYON NG TRABAHO NA KALIMITANG NAGING BUNSOD NG MABABANG PRODUKSIYON, DAGDAG PA NG SOLON.
ANG TAGUMPAY NG BAWAT NEGOSYO ANIYA AY PALAGING NAKABATAY SA MAGANDANG RELASYON AT KOOPERASYON SA PAGITAN NG MGA MANGGAGAWA AT NG KORPORASYON.