Sunday, March 23, 2008

TATAASAN ANG KAPARUSAHAN SA PORNOGRAPIYA

PAPATAWAN NG ISANG MILYON PISONG MULTA O MABILANGGO NG HABAMBUHAY ANG MGA TAONG NASA LIKOD NG OBSCENE, PORNOGRAPHIC AT IMMORAL NA MGA AKTIBIDAD SA BANSA.

SA ILALIM NG PANUKALANG BATAS, NAIS NIPARTY LIST REP JOEL VILLANUEVA NA MAGKAROON NG “UPDATING” SA MGA UMIIRAL NA BATAS UPANG MAKATUGON SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NA LALONG NAGLALANTAD NG PORNOGRAPIYA SA PUBLIKO, PARTIKULAR SA MGA KABATAAN.

SINABI NI VILLANUEVA NA TINATAWANAN LAMANG NG MGA MAPANGHAMONG LUMALABAG NA INDIBIDWAL AT GRUPO ANG UMIIRAL NA BATAS LABAN SA KALASWAAN.

BASE SA ESTADISTIKANG NAKUHA NI VILLANUEVA, NAITALA ANG 365,602 PORNOGRAPHIC VCDS, DVDS, AT VHS NA NAKUMPISKA NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) NA TINATAYANG NAGKAKAHALAGA NG P14,733,467.00 AT NAGRESULTA SA PAGSASAMPA NG 120 KASO.

BUKOD SA MURANG GASTOS SA PRODUKSIYON, ISINISI NI VILLANUEVA SA MAHINANG BATAS ANG TALAMAK NA PORNOGRAPIYA KATULAD NG NAKAPALOOB SA ARTICLE 201 NG REVISED PENAL CODE KUNG SAAN UMAABOT LAMANG SA HINDI HIHIGIT SA P12, 000 O PAGKAKAKULONG NG HINDI LALAMPAS SA ANIM NA TAON ANG KAPARUSAHAN.

ISINISI RIN NI VILLANUEVA SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA ANG PAGLALA SA SULIRANIN SA PORNOGRAPIYA KUNG SAAN 53 NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION (NTC) REGISTERED INTERNET SERVICE PROVIDERS (ISPS) NA MAYROONG TINATAYANG 800,000 SUBSCRIBERS ANG NAITALA, HINDI KASAMA DITO ANG LIBU-LIBONG CYBERCAFES AT PREPAID NET CARD PROVIDERS.