IIMBESTIGAHAN NG KAMARA DE REPRESENTANTES KUNG PAPAANO GINUGOL NG OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA) ANG PONDO NITO PARA TUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWS) SA NAKALIPAS NA MGA TAON.
SA ISANG HEARING NG HOUSE COMMITTEE ON OVERSEAS FILIPINO, INIUTOS NI PASIG CITY REP. ROMAN ROMULO, VICE CHAIRMAN NG KOMITE, SA MGA KINATAWAN NG OWWA NA IBIGAY SA KOMITE ANG FINANCIAL STATEMENT NG AHENSIYA.
ITO AY BUNSOD NA RIN SA MOSYON NI VALENZUELA REP. REX GATCHALIAN NA NAUNANG NAIRITA SA KINATAWAN NG OWWA SA PAGDINIG KAMAKAILAN NANG WALANG MAIPRISINTANG MGA DOKUMENTO ANG AHENSYA.
DISMAYADO SI GATCHALIAN DAHIL MAHIGIT ISANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS NANG KANILANG HINGIN SA OWWA ANG PINANSIYAL NA POSISYON NG AHENSIYA NA MISTULANG HINDI NAMAN PINAPANSIN UMANO NG KINAUUKULAN.
HINDI NAMAN NAGBIGAY NG DAHILAN SI GATCHALIAN SA PAKAY NG KANYANG KAHILINGAN DAHIL SA KAGUSTUHANG MABERIPIKA MUNA ANG IMPORMASYON NA KANYANG NATANGGAP KAUGNAY SA REKLAMO SA PAGGUGOL NG PONDO NG OFW’S.
NGUNIT, NAGPAHIWATIG SI GATCHALIAN NA HINDI MALAYONG MAY SUMABOG UMANONG KONTROBERSIYA SA OWWA HINGIL SA PAGGASTOS NG PONDO.
MAGUGUNITANG NANININGIL ANG OWWA NG $25 SA MGA UMAALIS NA OFW KUNG SAAN TINATAYANG BILYUN-BILYONG PISO ANG NAITABI.
KAUGNAY NITO, IKINAGULAT NAMAN NG MGA KONGRESISTA ANG IMPOSMASYON NA HINDI NAUUBOS NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) ANG LEGAL ASSISTANCE FUNDS (LAF) NA NAGUGUGOL SA PROBLEMANG LEGAL NA KINAKAHARAP NG SINOMANG OFW.
PAKAY SANA NI GATCHALIAN SA KANYANG HB00701 NA MAGLAAN NG KARAGDAGANG P30 MILYON SA LAF NG DFA UPANG MAKAPAGBIGAY NG LEGAL ASSISTANCE SA PROBLEMADONG OFW’S SA ABROAD.
MALAKI ANG HINALA NG MGA KONGRESISTA NA POSIBLENG HINDI ALAM NG OFW’S NA MAAARI SILANG LUMAPIT SA MGA EMBAHADA PARA MAKAHINGI NG LEGAL NA TULONG DAHIL SA MAY PONDO PARA DITO AT LUMILITAW NA HINDI NAGAGAMIT LAHAT.