Wednesday, March 19, 2008

PANTAY NA SPORTS OPPORTUNITY SA KABABAIHAN RIN

BILANG PAGPAPAHALAGA SA NAGING BAHAGI NG MGA KABABAIHAN SA KAUNLARAN NG BANSA AT UPANG MASEGURO ANG PANTAY NA PAGTRATO NG BATAS SA KANILA, IMINUNGKAHI NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ NA BIGYAN NG PANTAY NA OPORTUNIDAD PANGKALAKASAN O ANG EQUAL ATHLETIC OPPORTUNITY KAGAYA NG SCHOLARSHIP AT IBA PANG MGA BENEPISYO PARA SA MGA BABAE NA KADALASANG NATATAMO NG MGA KALALAKIHAN LAMANG.

SINABI NI RODRIGUEZ NA MATAGAL NANG ISYU ITO NA HINDI MAN LAMANG NAPANSIN NG LIPUNAN NGUNIT SIYA UMANO AY NABAHALA NA SAPAGKAT ANG TINATAWAG NA GENDER DISCRIMINATION AY PATULOY PA RING SINASAGAWA.

AYON KAY RODRIGUEZ, ANG LARANGAN NG PAMPALAKASAN O SPORTS AY HINDI LAMANG NAGDUDULOT NG PAGKAKABUKLOD NG MGA TAO KUNDI ITO AY NAGPAPAIBAYO RIN NG IBA PANG MGA ASPETO NG KATAUHAN PARA SA KAPWANG KASARIAN, MA-LALAKI MAN MO MA-BABAE.

SA KATUNAYAN PA NGA ANIYA, ANG PHYSICAL AT EMOTIONAL HEALTH NG MGA BABAENG LUMALAHOK SA PAMPALAKASAN AY MAS MAGANDA PA KUMPARA SA MGA DI NAGPA-PARTICIPATE SA SPORTS AT GANUN NA RIN ANG PAGGANDA NG KANILANG MGA ACADEMIC ACHIEVEMENT.

SA LARANGAN NG PALAKASAN, HINDI RIN UMANO MAIWASAN NA MAYROON PA RING SEX DISCRIMINATION AT TUNAY NA MAYROONG GAP O PUWANG SA PAGITAN NG AVAILABLE ATHLETIC OPPORTUNITIES SA KABABAIHAN AT SA KALALAKIHAN.

SA KANYANG MUNGKAHI, DAPAT UMANONG TITINGNAN GAWING BATAYAN NG LAHAT NA MGA PAARALAN, KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD ANG KASARIAN NG KABUUANG POPULASYON NG ESKUWELAHAN SA PAGGAGAWAD NG ATHLETIC SCHOLARSHIP SA NARARAPAT NA MGA ESTUDYANTE.