Sunday, March 23, 2008

PAGMAMALTRATO SA MGA HAYOP, TATAASAN ANG KAPARUSAHAN

TATAASAN NA ANG IPAPATAW NA KAPARUSAHAN SA MGA TAONG NAPAPATUNAYANG NAGSAGAWA NG PAGMAMALTRATO SA MGA HAYOP.

ITO ANG IMINUNGKAHI NI SORSOGON REP SALVADOR ESCUDERO SA KANYANG PANUKALA, HB03534, NA MAY LAYUNING AMIYENDAHAN ANG REPUBLIC ACT NO 8485, ANG ANIMAL WELFARE ACT NA KASALUKUYANG NAGPAPATAW LAMANG NG PAGKAKAKULONG NG MAGMULA ANIM NA BUWAN AT HINDI HIHIGIT SA ISANG TAON O ISANG LIBONG PISONG MULTA LAMANG.

SA PANUKALA NI ESCUDERO, ANG MGA VIOLATOR SA BATAS AY IKUKULONG NG DI BABABA SA ISANG TAON AT HINDI HIHIGIT SA APAT NA TAON AT PAGMUMULTAHIN NG LIMA HANGGANG SAMPUNG LIBONG PISO SA BAWAT PAGSASAGAWA NG PAGMAMALATRATO SA MGA HAYOP.

SINABI NI ESCUDERO NA MASYADONG MABABA ANG PARUSANG KAAKIBAT SA KASALUKUYANG BATAS KUNG KAYAT HINDI ITO NAGING HADLANG SA MGA TAONG LUMABAG SA NABANGGIT NA BATAS AT PAULIT-ULIT ITONG NILALABAG NG MGA OFFENDER.

IDINAGDAG PA NI ESCUDERO NA AYON PA RAW SA MGA LUMALABAG, MAS MABABA PA ANG KANILANG IBINABAYAD SA PAMAHALAAN KAYSA SA STANDARD NA KANILANG PADULAS SA MGA PULIS NA HUMUHULI SA KANILA HABANG SILA AY MAYROON HOT CARGO KAGAYA NG MGA ASO.

AYON SA KANYA, RESPONSIBILIDAD DIN UMANO NG MGA MAMAMAYAN NA SEGURUHIN ANG KAPAKANAN NG MGA HAYOP SA BAWAT SANDALI.