Monday, March 03, 2008

PAGBABABA NG COMPULSORY RETIRMENT AGE, GAGAWING 55 YEARS OLD NA

PABORABLE SA MGA MAGRERETIRO SA GOBYERNO SA SANDALING MAISABATAS NA ANG PANUKALANG INIHAIN NI NORTH COTABATO REP BERNARDO PINOL JR, ANG HB03032, NA MAY LAYUNING IBABA ANG COMPULSORY RETIREMENT MAGMULA ANIMNAPUT LIMANG TAON AT GAGAWING MAGING LIMAMPUT LIMANG TAONG GULANG NA LAMANG AT PARA SA OPTIONAL NAMAN NA 60 YEARS OLD AT GAWING 50 YEARS OLD NA LAMANG, DAHIL BATA PA SILANG MAG-ENJOY NG RETIRMENT BENEFITS NILA.

SINABI NI PINOL NA BAGAMAT ANG RETIREMENT BENEFITS AY ITINAKDA SA BATAS, KARAMIHAN SA MGA MAGRERETIRO BATAY SA KASALUKUYANG BATAS AY HINDI NA NILA MA-ENJOY ANG MGA BENEPISYO DAHIL KUNG HINDI MAN SILA MASYADONG MATANDA NA UPANG GUMAMIT NG RETIREMENT PAY NILA AY SILA AY MGA MAYSAKIT NA DAHIL SA KATANDAAN, KUNG KAYAT ANG NATURANG MGA BENEFITS AY NAGAGAMIT NA LAMANG SA KANILANG PAGPAPAGAMOT.

AYON PA SA SOLON, SA KABILANG DAKO NAMAN, KUNG BATA PA UMANONG MAG-RETIRE ANG ISANG KAWANI, SIYA AY MAS HANDA PANG HUMARAP SA MGA HAMON NG PANIBAGONG ANTAS NG KANYANG BUHAY MAGING SA PAG-VENTURE SA SARILI NIYANG NEGOSYO AT GAGAMITIN NIYA ANG KANYANG TALENTO PARA SA PRIBADONG GAWAIN AT ANG KANYANG ECONOMIC VALUE AY MAS MATAAS PA KAYSA SA ISANG 65 YEAR-OLD NA RETIRADO.

IDINAGDAG PA SI PINOL NA ANG ISANG MABABANG RETIREMENT AGE AY MAKAPAGGAWAD NG PAGKAKATAON SA MGA BATANG HENERASYON NA NAIS MANUNGKULAN SA GOBYERNO AT ITO UMANO AY MAKAPAGBIBIGAY NG TINATAWAG NIYANG “AGILITY AND IDEALISM” SA PANUNUNGKULAN SA PAMAHALAAN.