UMAASA SI GSIS SENIOR VICE-PRESIDENT ENRIQUETA DISUANCO NA MAPAG-AARALAN PA NG HUSTO ANG HB03202 NA ISINULONG NI NORTH COTABATO REP BERNARDO PIÑOL JR. NA NAGLALAYONG IBABA SA 55 ANG 65 NA COMPULSORY RETIREMENT AT GAWING 55 ANYOS ANG 60 TAONG GULANG NA OPTIONAL RETIREMENT.
BAGAMA’T MAGANDA ANG MOTIBO NI PINOL SA KANYANG PANUKALA PARA BIGYAN NG OPORTUNIDAD ANG MGA BATANG MANGGAGAWA AT PAKINABANGAN NG MGA RETIRADO ANG KANILANG PINAGHIRAPANG RETIREMENT PAY, SINABI NI DISUANCO NA NAPAKABIGAT NAMAN ANG KANILANG BABALIKAT RESPONSIBILIDAD.
IPINALIWANAG NI DISUANCO NA MAPIPILITAN ANG GSIS NA BALIKATIN ANG 10 TAONG BENEPISYO NG MGA RETIRADO KUNG IBABABA SA 55 ANG MANDATORY AGE OF RETIREMENT MULA 65.
BASE SA DATOS NG GSIS, LUMALABAS NA NAGBABAYAD ANG GSIS SA ISANG RETIRADO NG KANILANG PENSIYON MULA 13 HANGGANG 17 TAON KUNG SAAN 23,000 ANG NAGRERETIRO BAWAT TAON NA MAY AVERAGE NA P7,000 BUWANANG PENSIYON.
NGUNIT, IGINIIT NAMAN SA MGA KONGRESISTA NI CIVIL SERVICE COMMISSION DIRECTOR ARIEL G. RONQUILLO NA KAPAKI-PAKINABANG ANG PANUKALA NI PINOL.
SINABI NI RONQUILLO NA MAINAM ITO PARA SA BANSA DAHIL ANG BATANG HENERASYON NA SIYANG HAHALILI AT AYON SA PAG-AARAL ANG MGA BATANG MANGGAGAWA AY MAS TUNAY NA MGA PRODUKTIBO PA.
MATATANDAANG IBINALITA NA NATIN DITO SA ATING HIMPILAN NA NAIS NI PIÑOL NA AMYENDAHAN ANG REPUBLIC ACT 8291 O REVISED GOVERNMENT SERVICE INSURANCE ACT OF 1997 UPANG MAGKAKAROON NG OPORTUNIDAD ANG MGA RETIRADO SA BATANG EDAD NA MAKAPAG-ISIP NA PUMASOK SA NEGOSYO HABANG MALAKAS PA ANG KATAWAN HABANG MAS MAAGANG OPORTUNIDAD SA MGA BATA.