Thursday, March 20, 2008

P500 BUWANANG HOUSING ALLOWANCE, IMINUNGKAHI

PAGKAKALUOBAN NG LIMANG DAANG PISONG BUWANANG ALLOWANCE PARA SA KANILANG PANGANGAILANGANG PABAHAY ANG LAHAT NA MGA GURO SA PAMPUBLIKONG PAARALAN, MGA MIYEMBRO NG PAMBANSANG PULIS AT HUKBO NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS AT IBA PANG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN

ITO ANG IMINUNGKAHI NI MANILA REP AMADO BAGATSING SA KANYANG INIHAING HB03603 SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA SIYANG AAYUDA SA HOUSING PROGRAM NG GOBYERNO NA MAY LAYUNING MAIANGAT ANG ANTAS NG PAMUMUHAY NG MGA GOVERNMENT WORKER.

SINABI NI BAGATSING NA MAY PANANAGUTAN ANG PAMAHALAAN NA TULUNGANG MATUGUNAN ANG KARAINGAN NG MGA MAMAMAYAN KASAMA NA RITO ANG MGA NAGTATRABAHIO SA PAMAHALAAN NA KALIMITAN AY MABABA LAMANG ANG SAHOD AT KAKARAMPOT LAMANG ANG NATATANGGAP NA TAUNANG BENEPISYO KUMPARA SA KANILANG COUNTERPART SA PRIBADONG SEKTOR.

NGUNIT, NAKASAAD SA PANUKALA NA TATAGURIANG HOUSING ALLOWANCE ACT NA ANG COVERAGE NITO AY YAONG MGA NAG-OOKUPA NG MGA POSISYON NA MAY SALARY GRADE 25 LAMANG AT PABABA, MAGING REGULAR MAN, TEMPORARY O CASUAL ANG KANILANG EMPLOYMENT.

AYON PA KAY BAGATSING, MALAKING BILANG UMANO SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO AY HINDI NAKAKAYANANG MABIGYAN NG DESENTENG TAHANAN ANG KANILANG MGA PAMILYA.

TINUKOY DIN NIYA ANG ISANG PAG-AARAL NA TUMATAYA SA BABANG TATLONG LIBONG PISO LAMANG KADA BUWAN ANG KARANIWANG NAGING TAKE-HOME PAY NG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN UPANG GAMITIN PARA SA KANILANG TAHANAN, PANGANGAILANG SA ESKUWELA AT KAHIT PARA SA PAMBAYAD SA MGA PAGKAKA-UTANG.