IPINANUKALA NG ISANG MAMBABATAS NA MARINIG DIN ANG DAMDAMIN NG MGA BOKSINGERO SA PANGUNGUNA NI PEOPLE’S CHAMP MANNY PACMAN PACQUIAO KAUGNAY SA PANUKALANG GANAP NA IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD BILANG PORMA NG PALAKASAN SA BANSA.
INAMIN NI BACOLOD CITY REP MONICO PUENTEVELLA NA IKINAGULAT NIYA ANG HB03743 NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON NA NAGLALAYONG IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD NA SPORT DAHIL NAGTUTURO LAMANG UMANO ITO NG KULTURA NG KARAHASAN.
SINABI NAMAN NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA NA PROTEKSIYON SA MGA BOKSINGERONG PROPESYUNAL KATULAD NG PROTECTIVE GEAR SA AMATEUR ANG DAPAT NA GAWIN NG KINAUUKULAN SA HALIP NA GANAP NA IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD.
NAGPAHAYAG NAMAN NG KALUNGKUTAN SI ABAYA SA KATOTOHANANG HIGIT NA NAMAMAYAGPAG SA BOXING ANG USAPIN NG MALAKING HALAGA NG SALAPI AT MAGING ANG KARAHASAN SA BAKBAKAN NA MISTULANG BINABAYARAN NGAYON NG MGA MANONOOD.
NAUNANG IGINIIT NI JOSON ANG PANINIWALANG HINDI BAHAGI NG OBLIGASYON NG PAMAHALAAN SA PROMOSYON NG PALAKASAN SA ILALIM NG ARTICLE XV, SECTION 19 [I] NG KONSTITUSYON ANG PAGTATAGUYOD NG MARARAHAS NA SPORTS, PARTIKULAR ANG BOXING.
SA PANUKALA NI JOSON, PAPATAWAN NG ANIM NA BUWAN HANGGANG 12 TAONG PAGKAKABILANGGO ANG SINOMANG LALABAG SA PANUKALA KUNG SAAN MAY KAUKULAN RING MULTA.