Monday, March 24, 2008

BOKSING, MARAHAS NA URI NG PALAKASAN

NAIS NG ISANG KONGRESISTA NA IPAGBAWAL ANG BOXING COMPETITIONS AT IBA PANG MARARAHAS NA PALAKASAN SA BANSA, SA KABILA NG TAGUMPAY NA TINAMO NI PEOPLE’S CHAMP MANNY PACQUIAO

ITO ANG NAKAPALOOB SA HB03743 NA INIHAIN NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON DAHIL SA PANINIWALANG HINDI BAHAGI NG OBLIGASYON NG PAMAHALAAN SA PROMOSYON NG PALAKASAN SA ILALIM NG ARTICLE XV, SECTION 19 [I] NG KONSTITUSYON ANG PAGTATAGUYOD NG MARARAHAS NA SPORTS.

SINABI NI JOSON NA BATAY SA POLISIYA NG ESTADO NA NAKAPALOOB SA SALIGANG BATAS, ANG PROMOSYON NG PALAKASAN PARA SA PAGPAPAIBAYO NG ISANG MALUSOG AT ALERTONG MAMAMAYAN KUNG KAYAT NAIS NIYANG IBAYONG MAIPAGBAWAL ANG BOKSING.

AYON SA KANYA, DELIKADONG PORMA UMANO NG PALAKASAN ANG BOKSING KUNG SAAN MARAMING BOKSINGERONG MGA FILIPINO ANG NAMAMATAY AT HINDI KAGAYA NG IBANG SPORTS, ANG PAKAY DITO AY ANG SAKTAN ANG KALABAN NA MAY PANGUNAHING LAYUNING I-KNOCK DOWN ITO AT MAGING UNCONSCIOUS.

SA ILALIM NG KANYANG PANUKALA, PAPATAWAN NG ANIM NA BUWAN AT ISANG ARAW HANGGANG ANIM NA TAONG PAGKAKAKULONG AT MULTANG P200 HANGGANG P6,000 ANG SINOMANG MAPAPATUNAYANG DIREKTANG LUMALAHOK SA BOXING COMPETITION O EXHIBITION NG LABAN.

MAS MABIGAT NA ANIM NA TAON HANGGANG 12 TAONG PAGKAKABILANGGO NAMAN ANG KAPARUSAHAN SAKALING NAMATAY ANG LUMABANG BOKSINGERO, AYON SA PANUKALA.

GAYUNPAMAN, NAKASAAD SA PANUKALA NA HINDI KASAMA SA PAGBABAWALAN ANG BOXING NA ITINUTURO SA MGA KASAPI NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) AT PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) BILANG BAHAGI NG SELF-DEFENSE TRAINING SA KANILANG TRABAHO.