HIHIGPITAN NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG PAGGUGOL SA BANYAGANG BIYAHE NG MGA KONGRESISTA AT MAGING ANG MAGARBONG PAGTANGGAP SA MGA BANYAGANG DIGNITARIES.
TINIYAK NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA SUSURIING MABUTI NG KANYANG LIDERATO ANG MGA AAPRUBAHANG BIYAHE AT MAGING ANG PAMAMARAAN NG PAGTANGGAP SA MGA BANYAGANG OPISYAL.
MAGUGUNITANG DAAN-DAANG MILYONG PISO ANG GINAGASTOS NG KAMARA DE REPRESENTANTES MULA SA PAMPUBLIKONG SALAPI PARA SA IBAT-IBANG BIYAHE NG MGA KONGRESISTA NA KARANIWANG TINITINGNAN NG MGA TAO NA ISANG PORMA NG PAMAMASYAL NG MGA MAMBABATAS.
KUNG MADALAS BUMIYAHE ANG KANYANG PINALITANG SI SPEAKER JOSE DE VENECIA JR, SINABI NI NOGRALES NA WALA SIYANG PLANONG IKUTIN ANG BUONG MUNDO HABANG NASA POSISYON.
SINABI NI NOGRALES NA GAGAWIN NIYANG SENTRO NG KANYANG LIDERATO ANG ISYU NG TRANSPARENCY AT EPEKTIBONG PAMAMAHALA UPANG MAIANGAT ANG HINDI MAGANDANG IMAHE NG KAMARA DE REPRESENTANTES.
IBINALIKTANAW PA NI NOGRALES NA GINAGAMIT ANG PAMPUBLIKONG PONDO SA BIYAHE SA IBAYONG-DAGAT NG SPEAKER AT MGA MIYEMBRO NG KANYANG DELEGASYON NA KINABIBILANGAN NG MGA KONGRESISTA, STAFF AT MAGING ANG MEDIA COVERAGE CREW.