Thursday, February 07, 2008

update after 3 session days

TATLONG ARAW NA SESYON SA PAMUMUNO NI NOGRALES NG KAMARA

SA KANYANG UNANG TATLONG ARAW BILANG SPEAKER NG KARAMA DE REPRESENTANTES, INIULAT NI PROSPERO NOGRALES NG LUNGSOD NG DAVAO ANG PAGKAKAPASA NG LIMANG MGA MAHAHALAGANG PANUKALA SA PANGATLO AT HULING PAGBASA, TATLUMPO’T TATLONG LOCAL BILLS AT DALAWANG NATIONAL BILLS SA PANGALAWANG PAGBASA.

NAUNA RITO, INAPRUBAHAN NG MGA MAMBABATAS ANG BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE REPORT HINGGIL SA HB 3156, ANG CIVIL AVIATION AUTHORITY ACT, MATAPOS MAHIRANG BILANG SPEAKER OF THE HOUSE SI NOGRALES.

SINABI NG BAGONG SPEAKER NA MAHIGIT SA DALAWANG DAANG MGA MABABATAS ANG LUMAHOK SA DELIBERASYON UPANG BUMUTO SA NATURANG MGA PANUKALA AT NAGBIGAY NG TINAGURIANG “UNPRECEDENTED PLENARY QUORUM” SA SESYON.

SI NOGRALES, ANG PINAK-UNANG SPEAKER SA KASAYSAYAN NG PULITIKA NG BANSA NA NANGGALING SA MINDANAO, AY NAGPAHAYAG NG KANYANG PASASALAMAT SA KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS, MAGING SA MAJORITY MAN O SA MINORITY, PARA SA KANILA UMANONG DEEP PATRIOTISM AT DILIGENCE TO DUTY.

AYON SA KANYA, AYAW UMANO NIYANG MANGAKO NG MGA BAGAY NA ALAM NIYANG IMPOSIBLENG GAWIN KAYA’T KAILANGAN LAMANG NILANG ITUON ANG KANILANG GAWAIN SA MGA BAGAY NA MAAARING GAWIN.

ILAN SA MGA MAHAHALAGANG PANUKALA NA KANILANG IPINASA NA UMANI NG BOTONG 207 AY ANG HB00100 NA MAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG MGA KATAGANG MUSLIM AT CHRISTIAN SA MASS MEDIA NA MAGSASALARAWAN NG SINUMANG SUSPEK O NAGKASALA; ANG HB02420 NA MAG-AAMIYENDA SA FAMILY CODE NG BANSA; ANG HB03305 NA MAGPAPATAW NG MABIGAT SA PARUSA SA SINUMANG LALABAG SA BATAS HINGGIL SA PORNOGRAPIYA.; AT ANG HB03323 NA MAGBIBIGAY PAHINTULOT SA MGA FILIPINO WORLD WAR II VETERANS NA TUMANGGAP NG MGA BENEPISYONG PENSIYON KAHIT SILA AY TUMATANGGAP NA NG MGA PENSION AT BENEFITS NA BINIBIGAY NG PAMAHALAANG ESTADOS UNIDOS.