NANAWAGAN SI CAMIGUIN REP PEDRO ROMUALDO NA IMBESTIHAN NG HOUSE COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT ANG LAWAK NG PANANAGUTAN NG MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN AT MGA EMPLEYADO’T OPISYAL NITO HINGGIL SA DUMARAMING MGA SMUGGLING ACTIVITY NA NANGYAYARI SA BANSA.
HINILING NI ROMUALDO SA KOMITE, SA PAMAMAGITAN NG HR 421, NA MAGSAGAWA ITO NG MGA SURPRISE OCULAR INSPECTION SA MGA LUGAR KUNG SAAN BUMABAHA ANG MGA PUSLIT NA SASAKYAN AT MGA BAGAY.
SINABI NI ROMUALDO NA MAAARING MAYROONG SABWATAN ANG MGA SMUGGLER SA IILANG MGA CORRUPT NA MGA PERSONNEL NG AHENSIYANG PAMAHALAAN NA MAY KINALAMAN SA CUSTOMS, PORT INTELLEGENCE AT REVENUE OPERATIONS.
AYON SA KANYA, IILAN NA UMANO ANG TINATAG NA MGA ANTI-SMUGGLING TASK FORCE NA BINUWAG NA LAMANG DAHIL BIGO ANG MGA ITO NA MAKAMTAN ANG LAYUNIN NITO AT LIMITADO ANG KAPANGYARIHANG GANAP NA MAKAPAG-IMBESTIGA, MAKAPAG-PROSECUTE AT MAPUKSA ANG MGA SMUGGLING ACTIVITIES.
IMINUNGKAHI DIN NIYANG ALISIN NA SA SERBISYO ANG MGA OPISYAL AT EMPLEYADO, ISARA NA RIN ANG NEGOSYO AT DEPORTATION DIN SA MGA DAYUHANG SANGKOT SA SMUGGLING ACTIVITIES.
NANAWAGAN DIN SIYA SA PAGTUGIS A MGA NAGBEBENTA, BUMIBILI AT TUMATANGKILIK NG SMUGGLED GOODS SA KANILANG PAGKASANGKOT SA BENTAHAN NG MGA SASAKYAN AT MGA BAGAY NA MISCLASSIFIED AT UNDERVALUED.
KAYA HINDI UMANO MAKAKAMTAN NG PAMAHALAAN ANG LAYUNIN NITONG MAGKAROON NG BALANCED BUDGET, MATAAS NA INVESTORS’ CONFIDENCE SA SISTEMA AT PAMAMARAAN NG PAMAHALAAN AT MAPAGANDA ANG VALUES SYSTEM NG ATING GOBYERNO SA KATIWALIANG KANYANG TINUKOY.
# 30 #