NAGHAIN SI BOHOL REP EDGAR CHATTO NG PANUKALANG BATAS NA MAG-IESTABLISA NG INFORMATION COMMUNICATION TECHNOLOGY (ICT) HUB SA BAWAT LALAWIGAN SA BUONG BANSA.
SA HB 3367 NA KANYANG INIHAIN, ITATATAG ANG WALUMPO’T ISANG NODES SA BUONG KAPULUAN UPANG MAIPAGPAIBAYO ANG DEVELOPMENT AT PAGLAWIG NG MGA LUGAR NA NABANGGIT.
SINABI NI CHATTO NA IMPORTANTE PARA SA ESTRATEHIYA NG BANSANG PILIPINAS ANG PAGKAKAROON NG ISANG VIABLE NA COMMUNICATION HIGHWAY UPANG MAIPAGPAIBAYO NITO ANG ISANG EPESIYENTENG MANAGEMENT SYSTEM NA SIYANG MAGPA-PUMP PRIME NG ATING ECONOMIC ACTIVITIES.
AYON KAY CHATTO, INIHAIN NIYA ANG PANUKALANG ITO UPANG MAI-TRANSFORM ANG MGA LALAWIGAN NA MAGING INVESTOR-FRIENDLY COMMUNITIES AT MAKAPAGBIGAY DAAN PARA SA MABUTING PAGKAKATAON NA MAKASALI SA GLOBAL COMMUNITY COMPETITION.
IDINAGDAG PA NI CHATTO NA ANG PAGKAKATATAG NG ITC HUB SA MGA LALAWIGAN AY SIYANG MAGPAPABILIS DIN SA PAGPAPATUPAS NG LOCAL AT NATIONAL ELECTRONIC GOVERNMENT SYSTEM.