ANG ‘LIVING NON-RELATED ORGAN DONATIONS ACT’ NA INIHAIN NI PARTY LIST REP NARCISO SANTIAGO AY MAY LAYUNING. MAGBIBIGAY KAPANGYARIAHN SA DOH NA MAGLATAG NG MGA KAPARUSAHAN SA MGA LALABAG SA MGA GUIDELINE NA ITATATAG.
SINABI NI SANTIAGO NA ANG PAGBIBENTA NG MGA ORGAN SA PAMAMAGITAN NG ORGANIZED PRACTICE NG ORGAN DONATION UPANG KUMITA NG PERA AY LABAG SA ETHICAL STANDARDS AT HINDI KASAMA SA NATUKOY NA NEGOSYO NG TAO.
ANG PAGTANGGAP ANIYA NG ORGAN GALING SA MGA BUHAY NA KAMAG-ANAK AT DI KAMAG-ANAK AY KATANGGAPTANGGAP NA GAWAIN NGUNIT DAPAT SEGURUHIN UMANONG WALANG HALONG NEGOSYO O HINDI KIKITA ANG DONOR O ANG ALLEGED AGENT NITO.
AYON PA SA KANYA, KAPAG MAGING NAKAGAWIAN NA NA ANG DI KAMAG-ANAK AY MAAARI NA RING MAGING DONOR, ITO UMANO AY MAGBUBUKAS NA NG PINTO PARA SA MGA DAYUHANG BUMILI NG KIDNEY AT IBA PANG MGA BODY PARTS DITO SA ATING BANSA DAHILAN UMANO SA MARAMI ANG MGA MAHIHIRAP NATING KABABAYAN ANG MAGBENTA NA LAMANG NG KANILANG MGA ORGAN.
IDINAGDAG PA NI SANTIAGO NA SA EUROPEAN UNION AT NORTHERN AMERICA, ANG PAGBIBENTA NG MGA BODY PART OR ANUMANG ORGAN AY MAYROONG LEGAL PROHIBITION NA MAY KAAKIBAT NA KAPARUSAHAN SA ORGAN DONOR AT SA TUMATANGGAP NITO NA KASAMA SA TRANSAKSIYON.